Ibuod ang binasang "Alamat ng bulkang Taal".tiyaking gumamit ng mga panandang pahayag sa simula,gitna,at wakas.Mamarkahan ang iyong gawa gamit ang pamantayan sa ibaba. Isulat ang buod sa sagutang papel.
Noong unang panahon, ang paniniwala ng mga matatanda ay ang mga bayan at lalawigan sa Gitnang Luzon ay nahahati ng mga ilog at magubat na kagubatan. Sa bayan ng Tagaytay ay may isang makapangyarihang matanda na kung tawagin ay si Lakan Taal. Isang araw, pinulong ni Lakan Taal ang lahat ng kaniyang kabig sa lilim ng isang malagong punongkahoy sa kaparangan upang pagbawalan silang umakyat sa luntiang bundok na hindi kalayuan sa kanilang pinagpupulungan. Nang sumang-ayon sila ay nawala ang matanda.
GITNA:
Sa kasabikan ng marami na malaman kung ano ang hiwaga ng bundok ay napagkaisahan nilang akyatin ang taluktok ng nasabing bundok. Sinuway nila ang utos ni Lakan Taal. Nang makita nilang sa itaas pala ng bundok ay may malaking guwang na punong-puno ng mahahalagang perlas, esmeralda, brilyante at mga ginto ay napuno sila ng pagkamangha. Napagdesisyunan nilang kunin ang lahat ng iyon.
WAKAS:
Subalit dahil sinuway nila ang utas ni Lakan Taal ay nagpakita ito, galit na galit, at gumawa ng lindol, ng kidlat, ng kulog at malakas na unos. Habang lalong lumakas ang unos ay bigla ring lumindol hanggang sa ang bundok ay magbuga ng tipak-tipak na apoy na ikinasawi ng mga masuwaying tauhan ni Lakan-Taal. Mula noon, nagkasalin-salin ang pangyayari sa bibig ng madla, hanggang mabuo ang paniniwala ng marami na ang bundok na yaon na naging bulkan ay pag-aari ni Lakan-Taal. Ngayon ay tinatawag ito na Bulkan ng Taal.
Answers & Comments
SIMULA: