Ibigay ang sariling opinyon gamit ang mga panandang diskurso tulad ng;
•sa opinyon ko,
•para sa akin,
•gusto ko,
•sa tingin ko,
•saganang akin
1.Paglutas ng Problema sa Basura
2.Paglobo ng Populasyon
3.Kakulangan ng suplay ng tubig at kuryente
4.Edukasyon sa New Normal
(please po need na ngayong oras na to..huhu..patulong naman po ako nito..paseryoso na lng po..maraming salamat po)
Answers & Comments
Answer:
para saakin kinakailangan natin ng malakihang organisasyon upang malutas ang problema sa basura sa ating bansa dahil ngayon sabay ng laki ng populasyon ang pagdami ng basura at dumi sa ating bansa
i hope it helpa
Answer:
1. Para sa akin ang paglutas ng problema sa basura ay nakadepende rin sa ating mga mamamayan, hindi lalala ang problema natin sa basura kung aayusin lang sana natin ang pagtatapon at paghihiwa hiwalay ng mga ito. Kung magtatapon lang sana tayo sa tamang tapunan at hindi sa kung saan saan lang, malaki ang maitutulong nito upang masolusyonan ang ating problema, hindi sana ito babara sa mga estero na nagiging dahilan ng pagbaha. Nakasalalay sa atin ang paglutas ng problema natin sa basura.
2. Sa opinyon ko ang paglobo ng ating populasyon ay isa ring malaking problema ng ating bansa. Kung patuloy na dadami at lalago ang ating populasyon mahihirapan na ang ating pamahalaan na suportahan lalo na ang mga pinakamahihirap sa ating lipunan. Lalong dadami ang mga masasadlak sa hirap dahil hindi magiging sapat ang pinagkukuhanan ng kabuhayan na meron tayo ngayon. Sana lang ay maging handa tayo sa magiging resulta ng patuloy na paglobo ng ating populasyon dito sa ating bansa.
3. Sa tingin ko ang kakulangan ng suplay ng tubig at kuryente ay isa sa mga dahilan na nagpapahirap sa ating bansa. Kung magpapatuloy ang ganitong suliranin maapektuhan rin ang pag unlad ng ating ekonomiya. Sa patuloy na pagkawala ng kuryente maapektuhan ang mga pabrika na isa sa malaking pinagkukunan ng kita ng ating mga mamamayan. Sa pagkawala ng tubig maapektuhan ang mga magsasakang dito umaasa, mawawalan sila ng tubig na kailangan ng kanilang mga pananim na kalaunan ay nagiging pagkain natin. Babagsak ang ating ekonomiya kung magpapatuloy ang ganitong pangyayari, ngunit umaasa parin ako na masosolusyonan ito ng ating pamahalaan.
4. Para sa akin ang edukasyon natin ngayon ay hindi madali, maraming nahihirapan lalo na ang mahihirap nating mga kababayan. Ang mga estudyanteng hindi kayang suportahan ng kanilang mga magulang, ang mga magulang na hindi kayang ibigay ang pangangailangan ngayon ng kanilang mga anak, ang mga estudyanteng nasa malalayong lugar na kailangan pang umakyat ng bundok para lang makasabay sa mga aralin nila sa eskuwela. Hindi madali para sa ating lahat, maging sa ating mga guro na nagsasakripisyo rin para lang maibigay parin nila ang dekalidad na edukasyon na kailangan nating mga estudyante. Isa itong hamon para sa ating lahat, hamon kung paano parin natin pahahalagahan ang edukasyon na para sana sa ating lahat at hindi para sa iilan lamang. Sana lamang ay maayos na ang problema natin ngayon, ang edukasyon natin ngayon sa new normal ay hindi madali, hindi natin masasabi kung hanggang kailan tayo ganito kaya sana ay magtulong tulong tayo upang maipagpatuloy parin natin ang ating pag aaral sa kabila ng kinakaharap natin ngayong pandemya.
sana poh ay makatulong to