Ibigay ang mga KAHULOGAN (Tula Ang Aking Pag-ibig)
1.Sa tayong at saklaw ay walang kahambing
2.Laging nakahandang pag-utus-utasan,Maging sa maliwanag,maging sa karimlan.
3.Kasingwagas ito ng mga bayaning Marunong umingos sa mga papuri.
Pa help po tomorrow npo pasahan, THANK U
Answers & Comments
Answer:
SAGOT: D - PAG-IBIG SA
KASINTAHAN/ASAWA
Ang "Ang Aking Pag-Ibig" (How Do I Love Thee-Sonnet XLIII) ay isang tula na sonnet.
Ang mga tula ay panitikan na may mga naratibo't lirikal. Maingat ang pagsukat at tugma sa mga ito. Binubuo ng mga masisining na linya, saknong, at taludtod ang mga tula. Ang tula ay may... (tingnan ang
buong detalye sa brainly.ph/question/447250)
Isinulat ito ni Elizabeth Barret Browning na pinaniniwalaang para sa kanyang asawa.Kaya ang tula na ito ay ukol sa
romantikong pag-ibig.
Narito sa ibaba ang tulang isinalin sa Filipino ni Alfonso O. Santiago:
Ibig mong mabatid, ibig mong malaman Kung paano kita pinakamamahal? Tuturan kong lahat ang mga paraan, lisa-isahin, ikaw ang bumilang.
Iniibig kita nang buong taimtim, Sa tayog at saklaw ay walang kahambing, Lipad ng kaluluwang ibig na marating Ang dulo ng hindi maubos-isipin.
Yaring pag-ibig ko'y katugon, kabagay Ng kailangan mong kaliit-liitan, Laging nakahandang pag-utus-utusan, Maging sa liwanag, maging sa karimlan.Kasinlaya ito ng mga lalaking Dahil sa katwira'y hindi paaapi, Kasingwagas ito ng mga bayaning Marunong umingos sa mga papuri.
Pag-ibig ko'y isang matinding damdamin Tulad ng lumbay kong di makayang bathin
Noong ako'y isang musmos pa sa turing Na ang pananalig ay di masusupil.Yaring pag-ibig ko, ang nakakabagay Ay ang pag-ibig ko sa maraming banal, Na nang mangawala ay parang nanamlay Sa pagkabigo ko at panghihinayang.
Yaring pag-ibig ko ay siyang lahat na, Ngiti, luha, buhay at aking hininga! At kung sa Diyos naman na ipagtalaga Malibing ma'y lalong iibigin kita.