Ibahagi ang iyong pananaw sa mga sumusunod na tungkol sa akda.
1. Makikita sa akda ang kultura at paniniwalang Pilipino sa mga mahika.
2. Tinatalakay ng akda ang pagkainggit. Nangyayari ang pagkainggit kahit na sa pagitan ng magkakapatid.
3. Ang sakripisyo at pagmamahal ay may katumbas na kaginhawaan at kaligayahan, sa kalaunan.
4. Mahalaga ang pagpapatawad.
5. Sa pamamagitan ng Ibong Adarna, naituturo ang Kristiyanismo.
Answers & Comments
Answer:
1. Noon pa man ay naging bahagi na ng kultura at paniniwala nating mga Pilipino ang tungkol sa mga mahika at kakabalaghan. Ang akdang ito ay kakikitaan ng mga paniniwala tungkol sa mahihiwagang pangyayari.
2. Sumasang-ayon ako, dahil gaya ng pagkainggit ng kaniyang kapatid kay Juan ay sumasalamin din ito sa tunay na buhay at reyalidad na nangyayari sa ilang magkakapatid.
3. Tama, ang isang tagumpay ay hindi dumadaan sa anumang paghihirap at pagtitiyaga. Ang pagsasakripisyo ng isang tao ay nangamgahulugan ng hindi pagiging makasarili. Katumbas nito sa kalaunan ay maginhawang pamumuhay, matiwasay na pakiramdam at malumanay na damdamin.
4. Sadyang kay halaga ng magpatawad. Ika nga "kung ang Diyos ay marunong magpatawad , tayo pa kayang nilikha niya lamang?". Kung kaya't ang pagiging mapagpatawad ay mahalaga. Hindi masamang magpatawad subalit matuto din dapat tayo ng leksiyon. Hindi ibig sabihin ng pagpapatawad ay maibabalik pa sa dati ang lahat.
5. Naipakita nito ang Kristiyanismo dahil sa iba't-ibang pagpapalabas o pagsasadula ng mga pangyayari dito.
Explanation:
#hopeithelps