Questions


October 2022 2 2 Report
I. Salungguhitan ang pandiwa sa mga sumusunod na pangungusap.
1. Pinitas ni Keesha ang mga bulaklak sa kanilang hardin.
2. Taos-pusong humihingi ng paumanhin sa iyo si Ana.
3. Aalis kami sa makalawa papuntang Boracay.
4. Ang mga kandidato sa halalan ay nangangampanya na sa iba’t ibang lugar sa bansa.
5. Nagdudulot ng masamang epekto sa kalikasan ang polusyon sa hangin.
II. Isulat ang tamang aspekto ng pandiwang may salungguhit sa mga pangungusap. Ilagay sa
patlang kung ito ay perpektibo, imperpektibo o kontemplatibo.
_______________ 6. Ang mga biktima ng bawal na gamot ay dapat tulungan.
_______________ 7. Ang problema sa droga ay patuloy na binabaka ng lipunan.
_______________ 8. Bakit maraming tao ang nalulong dito?
_______________ 9. Iniisip nila na ang droga ay solusyon sa mga suliranin.
_______________ 10. Hindi nila alam na ito ay maghahatid sa kanila sa kapahamakan.
III. Isulat ang tamang aspekto ng pandiwa ayon sa isinasaad ng pangungusap. Gamitin ang
salitang kilos sa bahaging kaliwa.
(magpasigla) 11. Ang mabuting libangan ay _______________ ng katawan (kumilos) 12. _______________ nang maliksi ang taong malusog. (mag-ehersisyo) 13. Dapat tayong _______________ kahit sandal lamang. (kalimutan) 14. _______________ na niya marahil ang nagging bisyo pagkatapos ng kaniyang masamang karanasan. (ipagdasal) 15. Lagi kong _______________ na sana ay hindi ako mapabilang sa di-mabuting barkada.
IV. Suriin ang kaugnayan ng nakadiing simuno at sinalungguhitang pandiwa. Isulat ang letra sa patlang ang titik ng pokus ng pandiwa.

_____ 16. Si Dr. Jose Rizal ang nagsulat ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo. _____ 17. Pinagdausan ng paligsahan ang bagong tayong entablado. _____ 18. Nasira mo ang mga props para sa ating report. _____ 19. Ipinampunas ni Cheyne ang basahan sa mesa. _____ 20. Ikinalungkot ng bata ang mababang grado sa kaniyang pagsusulit. _____ 21. Pinuntahan ni Juliet ang tindahan para mamili ng kagamitan. _____ 22. Ang nanay ay ibinili ko ng pasalubong.
V. Tukuyin ang uri ng pang-abay sa mga sumusunod na bilang. Ilagay sa patlang ang PM kung ito ay pamaraan, PL kung panlunan, at PH kung pamanahon. _____ 23. Ipinasya ng mag-anak na Reyes na lumuwas sa Maynila. _____ 24. Nang sumiklab ang digmaan, nagkaroon ng problema ang mga sundalo. _____ 25. Ang mga pira-pirasong goma ay matiyagang tinipon ni Ben upang ibenta. _____ 26. Natapos niya ang kursong Bachelor of Arts in Psychology noong 1997. _____ 27. Ipinatong ko sa ibabaw ng mesa ang aking mga ipinamili. _____ 28. Ang bata ay magalang na sumagot sa kaniyang guro. _____ 29. Mabilis mag-isip ang mga imbentor sa mga bagay nan ais nilang gawin. _____ 30. Magsisimula ang programa sa ganap na ika-3 ng hapon.

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.