Questions


October 2022 2 3 Report
I. Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong. Isulat sa patlang ang letra ng tamang sagot.
_______1.Ang extension cord ay isang halimbawa ng proyektong ginagamitan ng _____________.
A. elektrisidad B. metal C. plastic D. semento
______2. Magsisimula ang isang proyekto sa isang ___ upang maisagawa ng maayos at matagumpay ang iyong proyekto.
A. aklat B. patalastas C. plano D. utos
______3..Mainam na sundin ang pamamaraan ng paggawa ng isang proyektong may kinalaman sa elektrisidad upang
Itoy magiging_________.
A. malakas B. matagumpay C. matibay D. matigas
______4. Upang magiging maayos ang iyong proyekto dapat ang iyong mga kasangkapan at kagamitan ay __________.
A. angkop at sapat B. mamahalin C. naaayon sa uso D. pinakamagara
______5. Upang matiyak na ligtas ang iyong proyekto na ginagamitan ng elektrisidad ay ligtas gamitin, kailangan masuri
ito ng isang __________.
A. electrician B. enhinyero C. latero D. mekaniko
--------6 . Ito ay ginagamit na pambalot ng mga nababalatan pati ang mga dugtungan na wire upang maiwasan
ang makuryente.
a. pliers b. electrical tape c. flat cord wire d. cutter
_____ 7. Ginagamit ito para luwagan o higpitan ang turnilyong may manipis na pahalang.
a. pipe cutter b. flat screwdriver c. long nose d. philips screwdriver
______8. Isang kagamitang panghawak o pamputol ng manipis na kable ng kuryente.
a. Pliers b. long nose pliers c. cutters d. flat screwdriver
______9. Ito ay metal na bagay, na ginagamit sa pagputol ng alambre at kawad.
a. side cutting pliers b. long nose pliers c. combination pliers d. cutters
______10. Ito ay ginagamit sa pagpaluwag o paghigpit ng tornilyo na ang dulo ay hugis krus.
a. philips screwdriver b. flat screwdriver c. cutters d. pliers
_______11. Ibinabalot sa nabalatan at pinagdugtong na wire.
a. electrical tape b. flat cord wire c. side cutting pliers d.plastic
_______12. Isinasaksak sa convenience outlet upang magkaroon ng daloy ng kuryente.
a. flat cord wire b. male plug c. multi-tester d. electrical tape

_______13. Dito pinapadaan ang kuryente papunta sa mga kagamitan.
a. male plug b. multi-tester c. flat cord wire d. electrical tape
_______14. Ginagamit sa pagsubok ng isang koneksyon kung may dumadaloy na kuryente o wala.
a. multi-tester b. male plug c. flat cord wire d. electrical tape
_______ 15. Ginagamit na pamutol ng maliit o malalaking wires. a. multi-tester b.gunting c.side cutting pliers d.long nose pliers
______ 16. Ano ang iyong gagawin kung may nakita kang isang taong nakuryente?
a. Buhusan ng tubig ang biktima. c. Itulak gamit ang tuyong walis na kahoy ang hawakan.
b. Hatakin ito palayo sa kuryente. d. Tumawag ng doktor.
________17. Anong mga bagay ang dapat mong ilayo sa iyong mga kasangkapang gumagamit ng kuryente?
a. plastik b. goma c. kahoy d. tubig
________18. Ano ang dapat mong gawin upang makatipid ng kuryente?
a. Iwanang nakabukas ang mga ilaw kahit walang tao.
b. Kapag umaga, patayin ang ilaw. Buksan ang mga bintana upang pumasok ang liwanag.
c. Hayaang kumapal ang mga alikabok sa bombilya.
d. Pinturahan ang iyong silid nang madilim na kulay.
________19. Ano ang dapat mong gawin upang maiwasan ang pagkakaroon ng sunog?
a. Takpan lahat ang mga saksakan o ‘outlet’ pang-elektrisidad.
b. Huwag gumamit ng mga kagamitang de-kuryente.
c. Huwag hawakan ang anumang kawad o gamit pangelektrisidad kapag basa ang mga kamay.
d. Huwag magsasaksak ng maraming kagamitan sa isang ‘outlet’.
________20. Ginagamit na panghawak o pamputol ng wires, kable, o maliit na pako.
a. Combination Pliers b. Bench Vise c. Long Nose Pliers d. Side cutting Pliers

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.