_____________________
I. Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.
1. Mayroon kang ipinangako sa iyong guro na magsumiti ng proyekto ngunit hindi mo naipasa. Anong
pamantayan sa pag-angat sa kalidad ng serbisyo?
a. Takdang oras b. Hindi pabago-bago c. Mapagpasalamat d. Kakayahang tumugon
2. Anong pamantayan sa pag-angat sa kalidad ng serbisyo ang ipinamalas dito. Buong kahusayan kung
ginagawa ang mga nakatakda sa akin.
a. Tiyak b. Hindi pabago-bago c. Kumpleto d. Naaabot ang inaasahan
3. Sa paggawa ng ating proyekto kailangan sumusunod sa pamantayan para masabi natin na may kalidad
ito. Alin dito ang sumunusunod sa pamantayan.
a. Ginagawa ang proyekto na hindi tiyak.
b. Minamadali ang paggawa para maging una.
c. Pinaghihintay ang taong nangangailangan ng tulong mo.
d. Buong kahusayan mong ginagawa ang mga proyektong nakatakda sa iyo.
4. Anong pamantayan sa pag-angat sa kalidad ng serbisyo ang ipinamalas sa sitwasyong ito. Laging
magpasalamat sa mga gawain o serbisyo lalo na’t may mga taong tumutulong para matapos ito kaagad.
a. Tiyak b. Mapagpaslamat c. Kumpleto d. Hindi pabago-bago
5. May suliranin ang dinaranas ng ating barangay ngayon subalit madali mo itong nabigyan ng solusyon.
Anong pamantayan sa pag-aangat sa kalidad ng serbisyo ang ipinamalas dito?
a. Kumpleto b. Hindi pabago-bago c. Panahon d. Kakayahang tumugon
6. Sino ang dapat tularan?
a. Si Berta na sablay ang mga gawain.
b. Si Liza na pabago-bago ang isipan.
c. Si Saria na nagnanakaw ng desinyo para matapos kaagad ang gawain
d. Si Maria na pinagplanohan at sumusunod sa mga pamanatayan na gawain.
7. Pinag-aantay mo ang taong nangangailangan ng iyong tulong. Anong pamantayan sa pag-angat ang
ipinamalas dito?
a. Panahon b. Paggalang c. Kumpleto d. Mapagpapasalamat
8. Tama ba na ang binibigay na serbisyo ay naaayon sa pamantayan sa pag-angat at kalidad ng serbisyo?
a. Oo, para maging pinakamahusay
b. Oo, para maayos at mahusay ang paggawa
c. Hindi, dahil mahaba ang oras na ginugugol dito
d. Hindi, dahil nauunawaan ka ng iyong mga katunggali.
9. Ano ang mangyayari kapag Hindi sumusunod sa pamantayan at kalidad sa paggawa?
a. Maging maayos at malinis ang pagkagawa
b. Maayos ang pagkagawa ngunit may kulang
c. Maayos ang pagkagawa at may kahusayan
d. Maayos ang paggawa at naisumiti ng tamang oras
10. Paano gumagawa ng tama at de-kalidad na serbisyo?
a. Sa pamamagitan ng pagtanong sa mga nakakaalam
b. Sa pamamagitan ng pagkukunwaring marunong sa lahay ng bagay
c. Sa pamamagitan ng panggagaya at pangungupya sa gawain ng iba.
d. Sa pamamagitan paglalaan ng panahon at tiyak na gawain upang maging malikhain.
Answers & Comments
Answer:
1. D
2. A
3. D
4. B
5. C
6. D
7. A
8. B
9. B
10. D