Answer:Ang katmaran ng mga Pilipino ay isang sakit ngunit hindi minamana. Sa sanaysay ni Rizal na "The Indolence of the Filipino People" isinalaysay niya na ang mga Pilipino ay hindi naman talaga tamad, kundi likas na masisipag. Ang kaisipan lang ng mga Kasila, Amerikano at Hapon ang nagbuo ng kaisipan na tamad ang mga Pilipino upang malason ang kaisipan ng mga Pilipino at mabuo ang kaisipan na mababang uri tayo kumpara sa kanila o ang inferiority complex. Kung tutuusin, bago dumating ang kaisipan ng kastila, ang kwentong bayan ni Juan ay hindi naman patungkol sa pagiging "tamad", sa katunayan, si Juan ay hindi naman talaga tamad. Si Juan ay isang madiskarteng tao. Katulad ng kwento ni Juan at ang bayabas, ipinapakita ang pagiging madiskarte ni Juan sa pamamagitan ng pagsabay ng pamamahinga at paghahanap ng makakain. Si Juan talaga ay maghapong nagtatrabaho kung kaya't wala na siyang panahon upang kumain kaya isinisingit niya ito sa pamamahinga. Sa katunayan, nakita ng mga kastila ang pagiging masipag ng mga Pilipino kung kaya't natakot sila na baka magamit ito laban sa kanila. At kahit hanggang sa kasalukuyan, pagkat tayo ay may kaisipan parin na neo-kolonyal, umiiral parin ang kaisipan na tayong mga Pilipino ay mga tamad.
Answers & Comments

Answer:
sakit ito dahil Hindi ito maganda sa ating pangangatawan at dahil di it namamana kusa nlang itong lumalabas