I. Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay nagpapakita ng pagsunod sa pamantayan at
kalidad ng paggawa at MALI kung hindi.

1. Naiinip ako kapag gumagawa kami ng mga proyekto sa asignaturang TLE.

2. Hindi ako nanghihinayang sa oras at pera na ginugugol ko sa isang gawain na
gusto kong palitan kapag hindi pumasa sa aking pamantayan.

3. Masaya akong naglilinis ng bahay at pinagbubuti ko ito upang matuwa ang
aking mga kasambahay.

4. Nakahanda akong makipagtulungan sa aking mga kamag-aral upang madaling
masolusyunan ang tanong at problemang di-inaasahan.

5. Buong kahusayan kong ginagawa ang isang gawaing iniatas ng guro sa akin.

6. Hindi ko pagbubutihan ang pag-uulat sa harap ng klase dahil laging ako ang
kanilang inuutusan.

7. Ibibigay ko ang tamang paggalang sa aking mga kamag-aral dahil iyon ang
nararapat.

8. liwasan kong manggaya sa gawain ng iba upang mapadali ang aking
paggawa.

9. Ang salitang "puwede na 'to" ay iwawaksi ko sa paggawa bagkus ay pag-
iibayuhin pa upang maging "puwedeng-puwede na".

10. Ipapasa ko agad sa aking guro ang aking proyekto kahit alam kong may kulang
pa rito.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.