Questions


December 2022 2 8 Report
I- I.Basahin at nawain ang maikling kuwento sa ibaba. Isulat sa patlang ang titik ng tamang kasagutan.

“Ang Mga Nawawalang Sapatos ni Kulas”
Nasa katamtamang estado ng pamumuhay ang pamilya ng batang si Nicholas Cruz. Mas kilala siya sa Kalye Sampaguita bilang si Kulas, sampung taong gulang na anak nina Julio at Vina Cruz.Nagtatrabaho sa isang pagawaan ng mga kasangkapan sa bahay ang ama ni Kulas samantalang kahera naman isang tindahan ang kanyang ina.Isang araw, habang tinatali ni Vina ang sintas ng sapatos ng anak ay nagtaka ito.“Nak, ba’t ang lumang rubber shoes mo ang suot mo? Di ba binilhan ka namin ng papa mo ng bago?” tanong ng ina sa bata.Hindi sumagot si Kulas at nagkataon naman na bumusina na ang sasakyan na maghahatid sa kanya sa paaralan. Humalik ito sa mama niya at dali-daling tumakbo palabas ng bahay.“Leon, bilisan mo nariyan na iyong school bus,” sabi ni Kulas sa nakababatang kapatid habang tumatakbo siya palabas.Natapos ang kalahating-araw ng klase at hinatid na pauwi sa kanilang bahay sina Kulas at Leon. Pagdating nila sa sala, nagulat ang panganay na may karton na naglalaman ng bagong sapatos.“Ma, kanino po ‘tong rubber shoes?” tanong ni Kulas sa ina niya.Ngumiti ang ina at sinabihan siyang sa kanya iyon. Bagong rubber shoes at mukhang mamahalin yung binili ng mama niya para sa kanya. Kinabukasan, sinuot niya ito papuntang paaralan dahil sakto naman na P.E. nila.Pagkalipas ng isang linggo, nagulat si Vina noong sinumbatan sya ni Julio habang nag-aayos siya sa harap ng salamin at ang asawa naman ay nagbabasa ng dyaryo sa higaan nila.“Akala ko ba binilhan mo ng bagong sapatos si Kulas kaya naubos ang sweldo mo. Bakit mukhang luma yata yung nabili mo,” sabi ni Julio.Nagulat si Vina sa sinabi ng asawa. Idiniin niya bumili talaga siya ng bago at mahal iyon kaya humiram pa siya ng pera sa may-ari ng tindahan.


1. Ano ang taguri ng karamihan kay Nicholas Cruz?
A. Nick
B. Kulas
C. Nicko
D. Nicky

2. Ano ang ipinagtataka ni Aling Vina kay Nicholas?
a.May bago siyang sapatos
b.. Lumang sapatos ang kanyang isinusuot
c.Nawawala ang kanyang sapatos
d.. wala sa nabanggit

3. Bakit nagulat si Leon pagkauwi nila sa bahay pagkagaling sa eskuwela?
a.Nawawala ang sapatos niya
b.May nakita siyang kahon ng sapatos.
c.Nabutas ang kanyang sapatos
d. Hindi siya ibinili ng sapatos
4. Ano ang ibinigay ng nanay ni Nicholas sa kanya?
a. Pera
b. bagong sapatos
c. bagong damit
d. laruan

5. Ano sa palagay ninyo ang nangyayari sa nawawalng sapatos ni Kulas?
a.Itinatago ito sa kanyang taguan?
b. Ibinibigay sa panganay na kapatid
c.Ipinamimigay sa mahihirap na kaklase
d. Ibininebenta sa kaklase upang magkaroon siya ng baon.

Helpful Answer- Brainliest!
Nonsense- Report!

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.