I. Basahing mabuti ang bawat pahayag. Isulat sa patlang ang Tama kung tama ang pahayag at Mali naman kung hindi.

_1. Sa pakikipagdebate malilinang ang kasanayan sa wasto at mabilis na pag-iisip.

_ 2. Malilinang din ang wasto at bilis ng pagsasalita.

_ 3. Hindi nakakatulong ang pakikipagdebate upang malinang ang lohikal na pangangatwiran.

_ 4. Sa pikikipagdebate, nabibigyang kahalagahan ang magandang-asal tulad ng
paggalang at pagtitimpi o pagpipigil ng sarili.

_ 5. Nakakatulong din ang pakikipagdebate upang magkaroon ng pang-unawa sa mga katwirang inilalahad ng iba at pagtanggap sa nararapat na kapasyahan.

II. Basahing mabuti ang mga sumusunod na tanong at piliin ang letra ng tamang sagot.

_6. Ito ay isang pormal na pakikipagtalong may estruktura at sistemang sinusundan.
A. debate B. away C. hamon D. laro

_7. Ito ay isang panig sa pakikipagdebate na sumasang-ayon sa isyung pagdedebatehan.
A. Oposisyon B. moderator C. proposisyon D. hurado

_8. Sino ang magpapasya kung aling panig sa pakikipagdebate ang nakakapanghikayat o kapani-paniwala?
A. Oposisyon B. moderator C. proposisyon D. hurado

_9. Alin sa mga sumusunod na kalinangan ang maidudulot ng pakikipagdebate?
A. Wasto at mabilis na pagsasalita
B. Mabilis na pagtakbo
C. Mahinang pangangatwiran
D. Hindi nakakapagtimpi

_10. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang halimbawa ng pagsang-ayon?
A. Tama ang aking ina, napakaganda nga aming probinsiya.
B. Ayaw kong kumain ng hapunan.
C. Masarap sana ang minatamis na saging, ngunit bawal sa akin.
D. Walang katotohanan ang paratang ng mga tao laban sa aking kapatid.

Explanation:
Kung sino po ang sumagot nito Brainliest po iyon

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.