Questions


October 2022 2 1 Report
I. Basahin at unawaing mabuti ang mga sitwasyon. Paano mo magagamit ang iyong
pagkamalikhain upang mabigyan ito ng solusyon? Piliin ang titik ng tamang sagot.

_____1. Papasok ka na sa paaralan ng may dumaang kotse at natalsikan nito ng putik
ang suot mong damit. Malapit ng tumunog ang bell hudyat sa pagpasok.
A. Uuwi na lang at liliban sa klase
B. Uuwi muna at magpapalit ng uniporme. Ipaliliwanag sa guro kung bakit
ako nahuli.
C. Babatuhin ko ang dumaang kotse.
_____2. Linggo at magsisimba kayo, wala kang magagamit na sapatos dahil nasira ang
suwelas nito.
A. Iiyak ako para maawa sa akin ang aking nanay.
B. Manghihiram muna ako sa kapatid ko o sa aking pinsan.
C. Hindi na lamang ako magsisimba.
_____3. Sa pagmamadali mo ay naihulog mo ang proyektong ipapasa mo sa iyong guro.
Labis itong narumihan.
A. Ipapaliwanag ko sa guro ko ang nangyari at gagawa na lamang ako ng
panibago
B. Uuwi ng bahay at babaguhin ko ang aking gawa.
C. Kukunin ko ng palihim ang gawa ng kamag-aral ko.
_____4. Gabi na at ihahanda muna ang iyong mga kailangan para sa iyong iuulat
kinabukasan nguni’t nagamit na pala ng ate mo ang Manila Paper na itinabi
mo.
A. Bibili na lang ako ng Manila Paper sa palengke.
B. Gagamitin ko ang lumang Manila Paper na maaari pang sulatan.
C. Hindi na lang ako mag-uulat sa klase.
_____5. Araw ng Sabado at ikaw ang nakaiskedyul na maglilinis ng bahay ninyo.
Pinupunasan mo ang plorera nang dumulas ito sa iyong mga kamay at
nabasag.
A. Sabihin sa nanay na nabasag ito ng bunso mong kapatid.
B. Itatago sa likod-bahay ng hindi mapansin ni nanay.
C. Sabihin sa Nanay ang totoong nangyari at humingi na lamang ng
paumanhin.
_____6. Napunit ng pinsan mo ang mga pahina ng aklat na ipinahiram sa inyo. Alam
mong marami pang bata ang gagamit dito.
A. Susuntukin ko ang pinsan ko.
B. Ididikit ko ng Scotch Tape ang mga pahina at manghihingi ng paumanhin
sa guro.
C. Isasama ko siya sa paaralan at papagpapaliwanagin sa guro.
_____7. Sumuot sa butas ng bakod ng kapitbahay ang alagang tuta ng kapatid mo.
Nakiusap siya sa iyo na kuhanin mo ito.
A. Hindi ko siya papansinin.
B. Hahayaan kong ang kapatid ko ang kumuha sa lumipat na aso.
C. Magpapaalam ako sa kapitbahay na kunin ang alaga naming aso.
_____8. Nag lakbay aral ang inyong klase sa Rizal Park. Kakain na kayo ng tanghalian
ng mapansin mong hindi mo nailagay ang kutsara at tinidor sa lalagyan mo ng
baon.
A. Huhugasan ko na lamang ang aking kamay para makakain.
B. Itatago ko na lamang ang aking baon.
C. Hihintayin matapos kumain ang kamag-aral at manghihiram ng kutsara.
_____9. Nakalimutan mong kunin sa kamag-aral mo ang aklat sa TLE, naroon ang mga
paraan para sa gagawin mong proyekto.
A. Kukuha ako ng aklat sa silid ng walang paalam.
B. Pag-aaralan ko na lamang ang mga naitala ko sa aking kuwaderno.
C. Sisisihin ko ang aking kamag-aral.
_____10. Ikaw ang nakatokang magluto sa araw na iyon. Inayos mo na ang lulutuin
mong paksiw. Narinig mong tinatawag ka ng iyong Tatay kaya’t nagmamadali
mong isinalang ang kaserola. Hindi mo pala nabuksan ang kalan.
A. Babalik ako sa kusina at bubuksan ang kalan.
B. Hahayaan mo na lamang na si Nanay ang magbukas ng kalan.
C. Sasabihing inakalang bukas ang kalan.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.