Hinggil sa Pagmamahal at Pagmamalasakit
Ang pagmamahal ay isang likas na kapangyarihang pantao, at pinalalawak upang malinang ang dignidad na pantao ng kapwa. Ang pagmamahal ay nakalaan sa kabutihan ng buong pagkatao. Kabilang dito ang pagmamahal sa sarili maging sa kapwa. Ito ay pagpapalakas sa kabutihan ng kapwa para sa kanilang kapakanan nang walang inaasahang anumang kapalit. Dapat pagtibayin ang pagmamahal sa kapwa dahil sa partikular na dignidad na taglay ng tao at hindi dahil sa anumang motibo. Dapat na may kadalisayan ng hangarin na mahalin ang kapwa nang hindi hinahamak ang kanilang dignidad, hindi hinahamak ang kanilang sariling pagkatao.
Sagutan ang mga sumusunod na tanong.
1. Ano ang naramdaman mo habang binabasa ang seleksyon, lalo na ang kwento tungkol sa pagmamalasakit?
2. Kanino mo naiuugnay ang iyong sarili sa mga tauhan sa kwento? Bakit?
3. Ano ang binibigyang-inspirasyon ng kwento sa iyo para iyong tularan at gawin?
4. Ibahagi ang iyong mga pagninilay-nilay sa maliliit na pangkat. Magtakda ng isang tagapag-ulat upang ibahagi ito gamit ang sumusunod na mga gabay na tanong:
a. Ano ang naobserbahan mong magkakatulad sa hirap at balakid at magkakatulad na tulong at magaang salik sa iyong karanasan sa pag-ibig at pagmamahal?
b. Ano-ano ang mga sarili mong mga hirap at tulong?
c. Ano-ano ang mga dahilan ng iyong mga paghihirap o ng iyong mga pagtulong?
5. Ano-anong mga kabatiran at pagkaunawa ang iyong nakuha mula sa pagninilay-nila na ito? Isulat ang mga ito sa mga linya sa ibaba.
6. Ano ang personal mong magagawa sa iyong pang-araw-araw na buhay upang malabanan ang mga hirap at balakid sa iyong mga paraan ng pagmamahal? Lagyan ng bilang ang mga tungkuling ito na ipinataw mo sa iyong sarili.
(serious answers only please, thank you)
Answers & Comments
Answer:
1.naramdaman ko an presinsiya ng kwento, masakit man sa dam damin ay purong katoto hanan ang aking nabasa.
2.yung matandang lalaki, tulad ko'y nangangailangan din ng kalinga.
3.ang pag bigay ng kalinga sa taong lubhang nalulumbay.
5.ang pag bigay insperasyon at pag bigay kalinga
6.sa pamama gitan ng pag dasal at pag tiyaga sa mga bagay-bagay.
Explanation:
sorry dko alam ung no. 4
happy to help