Hindi lang Covid19 ang maiiwasan mo at ng iyong buong pamilya,
kung madalas at tama ang paghuhugas ninyo ng kamay.
Ayon kasi sa mga eksperto, ang paghuhugas ng kamay gamit ang
malinis na tubig at sabon ay sagot para mapigilan ang pagkalat ng mga
germs at viruses na maaaring maging sanhi ng mga karamdaman tulad
ng diarrhea at skin infections.
Pwede rin itong maging sanhi ng eye infections, tulad ng nangyari sa
anak ni mommy Melody Rancap. Sa isang Smart Parenting article na
inilabas ngayong taon, ikinuwento ni mommy na hindi dapat binabalewala
ang kahalagahan ng paghuhugas ng kamay. "Something as simple as
washing the hands can prevent conditions like Peyton's." Sabi niya sa amin.
Ngayon ngang may banta ng COVID-19, mas lalo pa nating dapat paigtingin
ang pagtuturo sa ating mga anak ng kahalagahan ng tamang paghuhugas
ng kamay.

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.