Questions


September 2022 1 0 Report
Hindi inaasahang panauhin ang dumating sa mansyon ni Donya Teresita . Ito ang kaniyang
kapatid na si Irene. Sa kanilang magkakapatid tanging si Irene ang naging suwail sa kanilang mga
magulang. Hindi ito nakatapos ng pag-aaral at ibinenta ang lahat ng ari-arian na ibinigay sa
kaniya at nagtungo sa iba’t ibang bansa. Matapos mawala nang mahabang panahon ay
ikinagulat ni Donya Teresita ang pagbabalik ng nakababatang kapatid. Mababanaag ang hirap
ng buhay na dinaranas nito.

Kasama ni Irene ang anak na babae na ang pisngi at may ang damit. Niyakap
nang ng Donya ang kaniyang kapatid na lumuhod at umiiyak na humingi ng
kapatawaran sa lahat ng kaniyang nagawa. Ipinahanda niya ang at
inumin , na pagkain at na mga damit para sa mag-ina.

Mula noon nanatili si Irene at ang kaniyang anak sa mansiyon ni Donya Teresita. Nakasuot
siya ng unipormeng katulad ng mga nagsisilbi at natutulog silang mag ina sa simpleng silid sa
mansyon. Tumatanggap siya ng buwanang sahod mula sa kapatid.

Bagama’t tutol ang Donya na makita ang kapatid sa ganoong kalagayan ay tiniis niya
sapagkat ito ang kaniyang kailingan , ang hayaang siyang magtrabaho para sa kanilang mag ina.

1.Sa mga salitang initiman , Alin ang kabilang sa maramihan na kailanan ng pang-uri?

A. hupyak at butas
B. malamig at mamahalin
C. masasarap at maaayos
D. gusgusin at mahigpit

2. Batay sa naging reaksyon at ginawa ni Donya Teresita, ano ang kaniyang katangian?

A. Mapagkunwari ang Donya. Nais lang niyang hanggaan siya ng kaniyang mga kasambahay at isiping siya ay mapagmahal na ate kay Irene.
B. Siya ay mapagmalaki, sapagkat nais niyang ipaalam sa kaniyang kapatid na siya ay napakayaman sa pamamagitan nang paghahanda nang mamahaling inumin at mga masasarap na pagkain.
C. Si Donya Teresita ay mapagmahal na kapatid dahil kaagad niyang tinaggap, niyakap ng mahigpit at pinahandaan ng masasarap na pagkain at maayos na mga damit ang kapatid at pamangkin.
D. Mayabang si Donya Teresita. Nais niyang ipakita kay Irene ang kaibahan ng kanilang buhay at ang kayamanang patuloy niyang tinatamasa sapagkat hindi siya naging suwail katulad ng kapatid.

3. Nakasuot siya ng unipormeng katulad ng mga nagsisilbi at natutulog silang mag ina sa simpleng silid sa mansyon. Tumatanggap siya ng buwanang sahod mula sa kapatid.
A. Naging sekretarya ni Donya Teresita ang kapatid.
B. Si Irene ay pumasok bilang kasambahay sa mansiyon.
C. Namasukan sa ibang mansyon si Irene bilang tagapagsilbi.
D. Nabuhay bilang mayaman muli si Irene at ang kaniyang anak.

4. Aling pangungusap ang naglalarawan na mayaman ang pamilya ng magkapatid?
A. Nakapag-aaral sila.
B. Dahil mayaman ang binalikan niyang kapatid.
C. Nakapaghahanda sila ng masasarap na pagkain.
D. Ibinenta ni Irene ang lahat ng ari-arian na ibinigay sa kaniya at nagtungo sa iba’t ibang bansa.

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.