Questions


December 2022 1 1 Report
Hindi ako dapat magmalabis sa pagtitiwalang ibinigay sa akin. Ako ay may utang na loob sa kaniya; sa kanila ay wala. Siya ang humukay ng libingan ng aking ina na pinatay nila. Nagpakabuti ako; pinagsikapan kong magpatawad, ano ang ginawa sa akin? Mangamatay na nga sila nang matapos na ang aming pagtitiis, nasabi ni Basilio. Nakita niya si Simoun, dala ang ilawan. Waring kakila- kilabot ang anyo ni Simoun na naliligid ng apoy. Parang nag-alinlangan sa pagpanhik sa hagdan si Simoun. Ngunit nagtuloy rin ito. Nang dumating ang Kapitan Heneral ay sandalling nakipag-usap dito at sa ibang naroon ang mang- aalahas. Saka ito nawala sa paningin ni Basilio. Namayani na naman ang kabutihang-loob ni Basilio. Nalimot ang ina, ang kapatid, si Huli, ang sariling kaapihan. Ninais na iligtas ang nangasabahay. Ngunit hinadlangan siya ng mga tanod-pinto upang magpugay sa mang-aalahas. Matigas ang mukha ni Simoun na tumuloy sa sasakyan at nag-utos sa kutsero na dalhin siya sa Eskolta. Mabilis ding lumayo si Basilio, ngunit Nakita niya si Isagani na tatanaw-tanaw sa bahay. Niyaya niya itong lumayo. Marahang itinulak ni Isagani ang kaibigan. Nagpilit si Basilio. "Bakit ako lalayo, bukas ay hindi na siya ang dati." May hapdi ang tinig ni Isagani. Ipinaliwanag ni Basilio ang ang tungkol sa ilawan. Hinila niya si Isagani. Tumutol ito. Mabilis na lumayo si Basilio.Nakita ni Isagani na nagtungo sa kainan ang mga tao. Naisip niyang sasabog ang bahay kasama si Paulita. Mabilis siyang nagpasya. Sa loob ay nagkatagpo ang nagpipiging ng isang kaputol na papel na ganito ang nakasulat. "MANE THACEL PHARES JUAN CRISOSTOMO IBARRA" Isa raw biro iyon, ani Don Custodio. Patay na raw si Ibarra. Nang makita ni Padre Salvi ang papel at sulat ay namutla ito. Sinabi nitong iyon nga ang lagda ni Ibarra. Saka nahilig sa sandigan ng silya ang kura, nanlambot sa takot. Nagkatinginang takot na takot ang lahat. Tatawag sana ng mga kawal ang Kapitan Heneral. Walang nakita kundi mga utusang di niya kilala. Nagkunwaring hindi takot. "Magpapatuloy tayo sa pagkain," aniya. "Huwag intindihin ang isang pagbibiro." Ngunit nagsalita si Don Custodio. "Ipagpalagay kong ang kahulugan ng sulat ay papatayin tayo ngayong gabi. Di nakakakibo ang lahat. May nagsabi baka lasunin tayo." Binitawan nila ang mga kubyertos. Lumabo ang ilawan. Iminungkahi ng Kapitan Heneral kay Padre Irene na itaas ng huli ang mitsa ng ilawan. Biglang may mabilis na pumasok, tinabig ang utusang humadlang, kinuha ang ilawan, itinakbo sa azotea at itinapon sa ilog. May humingi ng rebolber, may magnanakaw raw. Ang anino ay tumalon na rin sa ilog.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.