Answer:
PAGKAKAPANTAY-PANTAY, KATARUNGAN,
KALAYAAN AT KAPAYAPAAN
Lahat ay may karapatan na tumuligsa sa kamalian,
Lalo na kung hawak nila pati makinarya ng bayan,
Katarungan ay dadaing ng may galit at kalakasan,
Hatid ay gisingin ang angking diwa ng bawat mamamayan.
Hindi biro ang kinakaharap na suliraning panlipunan,
Kung saan ang mga namumuno ang pinagmulan,
Ng mga sanhi at ugat sa dinadanas na malawakang kahirapan,
Bangon Bayan! Isulong ang ating mga karapatan!!
Sa bawat araw na lagi na lang natatanaw,
Parang maihahalintulad sa mga halimaw,
Ang mga buwitre at buwayang hindi marunong umayaw,
Sa nakabukas na kaban ng bayan na nabantilaw.
Kasaysayan ay totoong nakatala,
Mga pangyayari sa buong bansa,
Kailan ba mapapatid ang mga pagluha,
Kailan ba ninipis ang makapal na mukha?
PAGKAKAPANTAY-PANTAY ang dapat tamuhin,
KATARUNGAN ang tunay na maangkin,
KALAYAAN ang pilit nating yakapin,
KAPAYAPAAN ang tatapos sa hikbi ng bayan natin...
Explanation:
pabrainliest po
Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.
Answers & Comments