A. Ang “Araw Ng Mga Patay” ay ipinagdiriwang tuwing Nobyembre 2. Ito’y isang katolikong pagdiriwang at tinatawag din itong “Undas”. Sa pagdiriwang na ito, pinupuntahan ng mga Katoliko ang mga sementeryo upang magdarasal. Ipinagdarasal nila ang mga Espiritu ng kanilang mga patay na kaibigan o miyembro ng pamilyang nasa Purgatoryo. Purgatoryo ang tawag sa lugar ng mga Espiritung wala pa sa perpektong kalagayan. Nagdarasal ang mga katoliko upang makaalis na ang mga Espiritu sa Purgatoryo at makapapasok sila sa langit upang magkaroon sila ng buhay na walang hanggan. Habang sila’y nagdarasal, nag-aalay rin sila ng mga bulaklak at nakasinding kandila.
Ngayon, paano ba ito nagsimula? Noong unang panahon ng Simbahan, ipinapaskel ang mga patay sa Simbahan upang maalala sila. Hindi lang iyon ang dahilan kung bakit mayroong pagdiriwang na ito. Ipinagdarasal din ng mga Benediktong monghe ang mga patay at inutos din ni Santo Olido na dapat ipagdasal ang mga patay; kamamatay pa lamang man o matagal nang patay.
Answers & Comments
Answer: