Questions


October 2022 1 0 Report
Help plsssssss T_T



Ang Batang Palaboy
Isa si Jose sa mga batang palaboy sa lansangan. Maaga siyang
naulila. Tumakas siya sa bahay-ampunang kumupkop sa kanya.
Sa araw, inaabangan niya ang bawat paghinto ng mga sasakyan sa
panulukan ng Vito Cruz at nanghihingi siya ng limos sa mga nakasakay sa kotse,
taksi o dyip. Malaki ang kinikita niya rito. Labis-labis kung ibibili lamang ng
pagkain.
Kapag nakasapat na siya, sumasama siya sa ibang tulad niyang
palaboy at kung saan-saan sila nagpupunta. Madalas siyang makasama sa mga
basag-ulo at panggugulo. Natuto rin siyang mandukot at mangulimbat. Sanay
na sanay na siyang makipaghabulan sa mga alagad ng batas. At masuwerte
naman siya dahil kahit minsan, hindi pa siya nadadala o nakukulong sa presinto.
Dahil sa wala siyang tiyak na matutulugan, kung saan-saan na lamang
siya natutulog. Kung minsan sa mga ilalim ng tulay siya natutulog. Kung minsan
humihilera siya kasama ng ibang bata sa mga sidewalk o sa mga gilid ng
underpass.
11. Masarap kaya ang buhay ni Jose? _________________________________-
_____________________________________________________________
12. Kung ikaw si Jose, ano ang iyong gagawin? __________________________
_____________________________________________________________
13. Maging mabuti kaya ang kinabukasan ng mga batang tulad niya?
_____________________________________________________________
14. Tama ba na tumakas si Jose sa bahay-ampunan? ____________________
_____________________________________________________________
15. Dapat bang kaawaan ang mga batang palaboy? _____________________

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.