1.Papasok ka na sa paaralan.Natalsikan ng putik ang malaking bahagi ng uyong uniporme.
SOLUSYON!
Kung ako po ang nasa sitwasyon, hindi na po ako babalik sa aming bahay dahil maaari pa po akong mahuli sa aming klase. Bagkus, magpapatuloy po ako sa aking paglalakad papuntang paaralan. At kung mayroon po akong ekstra na damit ay magpapalit na lamang po ako, o kaya naman ay papatungan ko po ito ng jacket. Ngunit kung wala po akong dalang t-shirt o kaya ay jacket, makikipag-usap po ako sa school facilities upang pahiramin ako ng t-shirt.
2.May takdang-aralin kang iuulat sa klase.Nakalimutan mong bumili ng kailangang manila paper.
SOLUSYON!
Magsusulat na lamang po ako sa black board dahil baka hindi na ako payagang lumabas upang bumili ng manila paper. Ngunit kung hindi posible, pagdudugtungin ko po ang mga bondpaper gamit ang tape, na maaari ko pong ipamalit sa manila paper, at doon ko po isusulat ang aking ulat. Pero kung wala po akong kagamitan, kakabisaduhin ko na lamang ang aking iuulat upang makapag-ulat parin ako at makinabang ang aking mga kamag-aral.
3.Nalukot ng bunso mong kapatid ang limang pahinang ulat na ibibigay mo sa iyong guro.Wala kanang panahon upang ulitin ito.
SOLUSYON!
Ipapasa ko na lamang po ito sa aking guro at hihingi po ako sa kanya ng paumanhin at ipapaliwanag ang nangyari. Ngunit kung pahihintulutan niya po ako at i-extend ang pagpapasa, muli ko po iyong uulitin.
4.Nasira ang rubbershoesmo.Wala kang magagamit para sa klase mo sa P.E.
SOLUSYON!
Manghihiram po ako sa aking kapatid, pinsan, o di kaya ay kaibigan, upang may magamit po ako. At kung meron naman pong paraan, ay aayusin ko po ang aking sapatos(tatahiin o di kaya'y didikitan). Ngunit kung wala po akong mahiraman, ipapakipag-usap ko po ito sa aking guro upang malaman ko ang dapat kong gawin.
5.Umiiyak ang iyong bunsong kapatid dahik nahulog sa gilid ng dalawang bakod ang kaniyang laruan.
SOLUSYON!
Kukuha po ako ng panungkit upang makuha ang kaniyang laruan, at kung hindi ko po talaga kayang kuhain, patatahanin ko po ang aling kapatid at bibigyan ng ibang bagay laruan o kaya ay kendi, upang tumahan po siya.
6.Oras na ng recess,inilabas mo ang pabaong tanghalian ng Nanay mo,nang buksan mo ang baunan ay nakalimutan niyang lagyan ng kutsara at tinidor.Malayo ang kantina sa inyong silid-aralan.
SOLUSYON!
Dahil malayo pa po ang kantina, maghuhugas na lamang po ako ng aking kamay o kaya ay gagamit ng plastik at kakamayin na lamang ang aking pagkain.
7.Dala-dala mo ang proyekto na isusumite mo sa iyong guro.Sa hindi inaasahang pangyayari ay nabitawan mo ito atnarumihan.
SOLUSYON!
Ipapasa ko po ito sa aking guro at ipapaliwanag sa kaniya ang nangyari. Hihingi po ako ng paumanhin, at kung maaari ay hihilingin ko sa kanya na bigyan ako ng pagkakataon na baguhin o ayusin ang aking proyekto.
8.Araw ng Sabado at naglilinis ka ng bahay niyo.Nilalaro-laro mo ang walis-tambo.Sa pag-ikot mo tumama ito sa poste at nabali.Kabilin-bilinan pa naman ng nanay mo na mag-ingat ka sa iyong gawain.
SOLUSYON!
Sasabihin ko po sa aking Ina ang totoong nangyari, at aaminin po ang aking kasalanan. Pagkatapos, hihingi po ako ng tawad at malywag na tatanggapin ang anumang kaparusahan.
9.Pinagsaing ka ng kapatid mo.Nilagyan mo ng bigas ang saingan,hinugasan ang bigas at nilagyan ito ng tubig.Nagmamadali kang isalang ang kaldero dahil parating na ang nga kamag-aral mo.Nakalimutan mong buksan ang kalan.
SOLUSYON!
Hihingi po ako ng tawad at aaminin ang aking mali. Agad po akong kikilos upang magsaing at buksan ang kalan. Kung patatagalin ko pa po ay baka mas lalo silang magalit dahil sa gutom na nararamdaman nila.
10.Hiniram ng kamag-aral mo ang aklat mo sa Science,may pagsusulit pa naman kayo kinabukasan.
SOLUSYON!
Kung ako po ang nasa sitwasyon, pupunta po ako ng maaga sa paaralan upang kunin ang hiniram na libro ng aking kaklase at magkaroon pa po ako ng oras na makapag-aral. Ngunit kung hindi pinahintulutan ng kalagayan, magpupunta po ako sa silid-aklatan upang manghiram ng kaparehong aklat at makapag-aral upang maipasa ang pagsusulit.
Sana po ito ay makatulong!
==============================================
#CherishOurAdMods
==============================================
7 votes Thanks 186
tailsurtax
OK po help me po sa Filipino hehe Mamayang gabi nalang po
Answers & Comments
Verified answer
PAGBIBIGAY-SOLUSYON sa SULIRANIN
- SITWASYON AT ANG AKING SOLUSYON -
1. Papasok ka na sa paaralan. Natalsikan ng putik ang malaking bahagi ng uyong uniporme.
SOLUSYON!
2. May takdang-aralin kang iuulat sa klase. Nakalimutan mong bumili ng kailangang manila paper.
SOLUSYON!
3. Nalukot ng bunso mong kapatid ang limang pahinang ulat na ibibigay mo sa iyong guro. Wala ka nang panahon upang ulitin ito.
SOLUSYON!
4. Nasira ang rubber shoes mo. Wala kang magagamit para sa klase mo sa P.E.
SOLUSYON!
5. Umiiyak ang iyong bunsong kapatid dahik nahulog sa gilid ng dalawang bakod ang kaniyang laruan.
SOLUSYON!
6. Oras na ng recess, inilabas mo ang pabaong tanghalian ng Nanay mo, nang buksan mo ang baunan ay nakalimutan niyang lagyan ng kutsara at tinidor. Malayo ang kantina sa inyong silid-aralan.
SOLUSYON!
7. Dala-dala mo ang proyekto na isusumite mo sa iyong guro. Sa hindi inaasahang pangyayari ay nabitawan mo ito at narumihan.
SOLUSYON!
8. Araw ng Sabado at naglilinis ka ng bahay niyo. Nilalaro-laro mo ang walis-tambo. Sa pag-ikot mo tumama ito sa poste at nabali. Kabilin-bilinan pa naman ng nanay mo na mag-ingat ka sa iyong gawain.
SOLUSYON!
9. Pinagsaing ka ng kapatid mo. Nilagyan mo ng bigas ang saingan, hinugasan ang bigas at nilagyan ito ng tubig. Nagmamadali kang isalang ang kaldero dahil parating na ang nga kamag-aral mo. Nakalimutan mong buksan ang kalan.
SOLUSYON!
10. Hiniram ng kamag-aral mo ang aklat mo sa Science, may pagsusulit pa naman kayo kinabukasan.
SOLUSYON!
Sana po ito ay makatulong!
==============================================
#CherishOurAdMods
==============================================