Ang pang-uri ay bahagi ng pananalita na nagbibigay deskripsyon o turing sa ngalan ng tao, bagay, hayop, pangyayari, lugar, kilos, oras, at iba pa. Kadalasan, ginagamit ito upang mas bigyang linaw ang isang pangngalan.
Halimbawa ngPang-uri
Maganda
Bilog
Pulang-pula
Ningas-kugon
Mataas
Araw-araw
Seryoso
Balat-sibuyas
Mapagbigay
Halimbawang Pang-urisa pangungusap.
Maganda ang asawa ni Mang Tonyo kahit may edad na ito.
Hugis bilog ang dala niyang tinapay para sa mga bata.
Pulang-pula ang nabili na damit ni Theresa para sa kaarawan niya.
Talagang ningas-kugon si Dino kaya hindi umunlad ang pamumuhay nila.
Mataas ang gusali na ipinatayo malapit sa kanto.
Araw-araw umaalis si Dexter para magtrabaho sa bayan.
Seryoso si Juliet sa sinabi niya kaya hindi na umatras si Ive.
Huwag ka nang magtaka, talagang balat-sibuyas siya.
Mapagbigay talaga ang pamilya nina Josue at Roxanne kaya maraming biyaya ang dumarating sa kanila.
Answers & Comments