Questions


September 2022 2 36 Report
I.Isulat kung TAMA ang pahayag at MALI kung hindi.
1. Ang karapatan patungkol sa dignidad, pagkakapantay-pantay at pagkakapatiran. 2. Karapatan na mabuhay. Ipagbawal ang parusang sobrang nakasasakit o nakapagpapahirap, pagkakapantay-pantay sa batas at makatarungang pagsasakdal. 3. Karapatang sibil at politikal. Karapatang makilahok sa mga pagkilos, karapatan sa nasyonalidad, karapatang makapag-asawa at bumuo ng sariling pamilya at magkaroon ng sariling ari-arian.
4. Karapatang pang ispiritwal at pang-relihiyon. Ito ay ang karapatan na magpalit ng pananampalataya o relihiyon at ang karapatang magpahayag o magsabuhay nito.
5. Karapatang sosyal, pang-ekonomiya at kultural na karapatan. Kaugnay nito ang karapatang makapagtrabaho, karapatang makapagpahinga at makapaglibang, karapatang magkaroon ng disenteng pamumuhay at karapatang makapag-aral.
6. Ang bawat karapatan ay may kaakibat na obligasyon at wala sa anomang nabanggit na karapatan ng UDHR ang maaring magamit upang hindi maisakatuparan ang layunin nito.
7. Pribilehiyong maituturing ang mga tungkulin na mayroon ang isang tao.
8. Ang bawat tao, hindi alintana ang kasarian, pinagmulan, katayuan sa lipunan, wika, edad, relihiyon, nasyonalidad, ay may pananagutan na pakitunguhan ang lahat ng tao sa makatarungang pamamaraan.
9. Ang lahat ng tao ay may pananagutan na pagsumikapang pangalagaan ang dignidad at pagpapahalaga sa sarili at kapwa.
10. Ang bawat tao ay may pananagutang itaguyod ang mabuti at maiwasan ang kasamaan sa lahat ng bagay
11. Ang lahat ng tao na pinagkalooban ng katwiran at budhi ay may pananagutan sa lahat, sa pamilya at lipunan, sa lahi, bansa at relihiyon. 12. Ang lahat ng tao ay may pananagutang igalang ang buhay.
13. Ang bawat tao ay may pananagutang kumilos nang may integridad, katapatan at pagkamakatarungan.
14. Ang lahat ng tao na pinagkalooban ng sapat na kakayahan ay may pananagutan na magsumikap upang mapaglabanan ang kahirapan, pagkagutom, kamangmangan at hindi pagkapantay- pantay. Marapat lamang na itaguyod nila ang pagpapaunlad sa buong mundo ng sa gayon ay matiyak ang dignidad, kalayaan, seguridad at katarungan sa lahat. 15. Ang lahat ng tao ay may pananagutan na paunlarin ang kanilang talento sa pamamagitan ng masigasig na paggawa. Ang lahat ay kinakailangang magkaroon ng patas na pribilehiyo na makapag-aral at pagkakaroon ng makabuluhang trabaho/hanapbuhay. Ang lahat ng tao ay handang tumulong sa mga aba, may kapansanan at biktima ng diskriminasyon. 16. Ang lahat ng tao ay may pananagutan na magsalita at kumilos nang may katapatan. 17. Ang kalayaan sa pamamahayag ay dapat gamitin nang may dignidad at masusing pagpapasya. Ang kalayaang ito ay nagdadala ng namumukod-tanging pananagutan para sa isang wasto at Mata pat na pag-uulat. Kailangang iwasan ang dramatikong pag-uulat na nagpapababa sa dignidad ng tao.
18. Ang kalayaang panrelihiyon ay nararapat bigyang katiyakan kaya naman ang mga kumakatawan sa bawat relihiyon ay may pananagutan na panatilihin ang pahayag na may kinikilingan at diskriminasyon patungkol sa ibang pananampalataya.
19. Ang bawat lalaki at babae ay may pananagutang ipakita ang paggalang sa isa't isa. Walang sinuman ang magsasailalim ng ibang tao sa pananamantalang sekswal o dependensiya. Sa halip, ang magkabiyak ay dapat tanggapin ang responsabilidad na kalingain ang bawat isa.
20. Ang pagpaplano ng pamilya ay pananagutan ng mag-asawa. Ang ugnayan sa pagitan ng magulang at mga anak ay dapat magpakita ng pag-ibig, paggalang, pagpapahalaga, at pagmamalasakit. Walang magulang o ibang nakatatanda ang mananamantala at mang-aabuso ng bata.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.