Mula ito sa salitang “tao”, kaya’t nagpapahiwatig na “para sa tao” o “pangtao”. Ito ay kilala rin sa Ingles bilang personal pronoun. Panghalili ito sa ngalan ng tao at ila sa mga salitang halimbawa ng panghalip panao ay ako, ko, akin, kita, kata, tayo, kami, natin, namin, atin, amin, ikaw, ka, kayo, inyo, ninyo, siya, niya, kaniya, sila, kanila, nila.
→ Panghalip Pamanggit
Kilala ito sa tawag na Relative Pronoun sa wikang Ingles. Ang panghalip pamanggit ay mula sa salitang banggit na may pakahulugang pambanggit o pangsabi. Ito ay kataga o parirala ng tagapag-ugnay ng dalawang kaisipan o pananalita. Ilan sa mga halimbawa nito ang daw, raw, umano, diumano, ani, sa ganang akin/iyo.
→ Panghalip Panaklaw
Ang panghalip panaklaw o Indefinite Pronoun sa wikang Ingles ay mga panghalip na sumasaklaw sa kaisahan at dami o kalahatan ng kinatawang pangngalan. Mula ito sa salitang saklaw na may pahiwatig na pangsaklaw o pangsakop. Ilan sa mga halimbawa nito ang lahat, madla, sinuman, alinman, anuman, pawang, saanman, ilan.
→ Panghalip Pananong
Ang panghalip pananong ay inihahalili sa pangngalan sa paraang patanong. Maari itong isahan o maramihan. Ito ay kilalang interrogative pronoun sa wikang Ingles. Ilan sa mga halimbawa ng panghalip na pananong o patanong ay ang mga salitang ano, anu-ano, sino, sino-sino, nino, alin, at alin-alin.
→ Panghalip Pamatlig
Kilala ito sa wikang Ingles na demonstrative pronoun. Ito ay inihahalili sa pangngalang nagtuturo ng lugar na kinalalagyan ng pangngalan. Ilan sa mga halimbawa ng panghalip na pamatlig ang mga salitang ito, iyan, iyon, nito, niyan, niyon, ganito, ganyan, ganoon, dito, diyan, doon, narito, nariyan, at naroon.
Answers & Comments
→ Panghalip Panao

Answer:
oo ata
Explanation:
PA BRAINLIESTS PO