Sa isang liblib na bayan sa lalawigan ng Bikol, may mga nakatirang pamilya na mariwasa naman ang buhay. Ngunit, lahat sila'y magkaaway. Walang ni-isang pamilya ang may mabuting relasyon sa kanilang kapitbahay.
Isang gabi, binubuhos ang napakalakas na ulan. Hindi pinansin ng mga mamamayan ang ulan dahil sanay na sila dito. Ngunit hindi nila alam, lumakas ng lumakas ang ulan hanggang sa magtanggalan ang mga puno. Pagkatapos ng ilang araw, lahat ng mga tao ay nawalan ng mga tirahan. Wala na rin silang makain. Sa kabila ng mga pangyayari, hindi pa rin nagpansinan ang mga pamilya.
Wala na talagang magawa ang mga tao.
"Wala na tayong makain at iyak nang iyak ang mga bata" sabi ng isang matanda.
"Kailangan na natin humingi ng tulong sa ibang pamilya." sabi pa ng isa.
Habang naglalakad ang mga bata, nagkita-kita ang mga magkakapitbahay. At kagaya pa rin ng dati, hindi sila nagpapansinan. Hanggang sa may batang sumigaw "kailangan na natin magtulungan para umunlad ulit ang ating bayan! hindi niyo ba nakikita ang hirap na dinaranas ng bawat isa? Kailangan na nating MAGTULUNGAN!" Nagtinginan ang mga tao at ngumiti. Nagsimula na silang magtulungan at naibangon muli ang kanilang buhay. Simula noon, naging magkakaibigan na ang bawat mamamayan.
Answers & Comments
Answer:
ano pong klaseng kwento?
Answer:
MAIKLING KUWENTO 1
Pagtutulungan
ni: Franzielle Marie D.P. Conde

~wakas~
Sana Po makatulong :)