Questions


September 2022 1 4 Report
1.) 1.Isa sa mga tungkulin ng pamilya ang pagpapahalaga sa likha ng Diyos. Sa anong paraan mo maipapakita ang pangangalaga sa kalikasan?
a.) A. Maging responsableng tagapangalaga sa likha ng Panginoon.
b.) B. Kumain ng maraming gulay at prutas araw-araw.
c.) C. Pagandahin ang bahay at bakuran upang maiwasang magkasakit.
d.) D. Awayin ang lahat ng ilegal na namumutol ng puno.
2.) 2. Ang mag-asawang Karlo at Tina ay parehong Kristiyano kung kaya’t nais din nilang maturuan at mamulat ang kanilang mga anak sa paniniwalang ito. Alin sa mga sumusunod na karapatan ang ipinapakita dito?
a.) A. Ang karapatan sa pagiging pribado ng buhay mag-asawa at buhay pamilya
b.) B. Ang karapatan sa pagkakaroon ng katatagan ng bigkis at ng institusyon ng kasal
c.) C. Ang karapatan sa paniniwala at pagpapahayag ng pananampalataya at pagpapalaganap nito
d.) D. Ang karapatang palakihin ang mga anak ayon sa mga tradisyon, pananampalataya, at pagpapahalaga at kultura sa pamamagitan ng mga kailangang kagamitan, pamamaraan, at institusyon
3.) 3.Isa sa katangian ng mga Pilipino ay ang magiliw na pagtanggap sa mga bisita. Paano na sa pagtanggap natin ay nagagampanan natin ang ating papel sa lipunan?
a.) A. Gamitin ang lahat ng mamahaling mga gamit para sa mga bisita
b.) B. Umutang ng pera upang makapaghanda ng masarap at sosyal na pagkain
c.) C. Piliin kung sino lamang ang tatanggaping bisita upang sigurado ang pabor na maibabalik sa atin.
d.) D. Tanggapin at paglingkuran nang maayos ang lahat ng taong nangangailangan.
4.) 3.Ang ibig sabihin ng karapatan sa paniniwala at pagpapahayag ng pananampalataya at pagpapalaganap nito ay:
a.) A. Malaya ang isang pamilya na mamili ng relihiyon.
b.) B. Ikukulong ang pamilyang hindi nagsisimba at hindi naniniwala sa Diyos.
c.) C. Malaya ang isang pamilya na magpunta sa ibang bansa.
d.) D. Hindi kilalanin bilang isang Pilipino ang walang relihiyon
5.) 4.Ang pagsusulat sa gobyerno upang maisaayos ang nasirang tulay na nasalanta ng bagyo na dinadaanan ng mga tao upang makapunta sa lungsod ay papel ng pamilya sa anong aspekto?
a.) A. Papel Pampolitikal
b.) B. Papel Panlipunan
c.) C. Papel Pangkalikasan
d.) D. Papel Pampaaralan
6.) 5. Bakit mahalaga ang pagboto sa panahon ng eleksyon/halalan at piliin ang mga matatapat na mamumuno sa ating bansa?
a.) A. Makatutulong sila sa pagpapaunlad ng pamumuhay
b.) B. Makapagbibigay sila malaking pera sa botante
c.) C. Matutugunan ang bawat karapatan ng pamilyang Pilipino
d.) D. Maiiwasan ang problema sa krimen sa ating bansa
7.) 6.Ano ang mangyayari kung ang kabutihan ng pamilya ay napangangalagaan, naitataguyod, at nabibigyang proteksyon sa lipunan?
a.) A. Magiging mas marami pa ang gustong bumuo ng pamilya, magkaanak upang maparami pa ang populasyon
b.) B. Ang bawat isa ay magkakaroon ng pagkakataong lumaki at maging ganap na tao sa pinakamabuting kapaligiran
c.) C. Tataas ang bilang ng krimen at mga kriminal sa bansa at magkakaroon na ng katahimikan
d.) D. Nanaisin ng mga tao na mabuhay at hindi na kailanman mamatay upang maranasan ang masaganag buhay.
8.) 7.Ang sumusunod ay mga karapatan ng isang pamilya maliban sa isa,
a.) A. Ang karapatan sa tahanan o tirahang angkop sa maayos na buhay pamilya
b.) B. Ang karapatan sa paghingi ng tulong sa gobyerno kahit na ito’y hindi pangangailangan
c.) C. Ang karapatan ng mga matatanda sa karapat-dapat na pamumuhay
d.) D. Ang karapatang mandayuhan sa ibang probinsya o bansa para sa mas mabuting pamumuhay.
9.) 2. Sino sa mga ito ang nagpapakita ng pagpapahalaga sa gampaning panlipunan ng pamilya?
a.) A. Pansamantalang pinatuloy ni Gelo ang kanilang kapitbahay na nasunugan sa kanilang tahanan. Siningil niya ito pagkatapos.
b.) B. Nagsagawa ng Feeding Program si Roman at ang kanyang pamilya sa bahay-ampunan
c.) C. Sumulat si Lea sa kanilang Congressman upang makapagsagawa ng Clean-up drive sa kanilang pamayanan. Humingi rin siya ng suporta dito sa paktabo niya bilang SK Chair
d.) D. Tumulong ang pamilya ni Jean sa pag-repack ng relief goods na ipamamahagi sa kanilang komunidad upang makalibre na rin sila ng grocery items
10.) 10.. Paano maisasabuhay ang mga pagpapahalaga at birtud na itinuro at natutuhan sa loob ng pamilya?
a.) A. Pagbibigay sa lahat ng pangangailangan ng bawat miyembro nito
b.) B. Pagtulong sa mga kapus-palad sa tuwing eleksiyon lamang
c.) C. Pagbibigay ng donasyon sa mga nasunugan sa barangay
d.) D. Pagpapayaman ng pamilya

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.