HAHAMAKIN ANG LAHAT ni Abdon Balde
"Kung kaya mong magbreakdance sa JS", sabi niCherry. May halong biro. Para na rin
niyang sinabing,"Pagputi ng uwak".Ngunit hindi ganoon ang dating kay Dindo.Sinuway
ni Dindo ang bilin ng magulang.Inilihim niya sa mga kaibigan ang balak. Nagpalakas
siya. Kinausap si Sam. Nagsanay si Dindo. Hindi alintana ang sakit at hirap."Puwede
ka na," sabi ni Sam pagkaraan ng isang buwan.Isang linggo bago mag JS Prom,
nilapitan ni Dindo si Cherry na nagmemeryenda sa canteen."Para sa'yo , handa na
ako", sabi ni Dindo."Oh shocks ! " sagot ni Cherry ,nakangisi,"Serious ka? Kami na ni
Joko, noh ! "Malungkot na tumalilis si Dindo, iika-ika, hila ang paa na may polio.Malupit
ang pag-ibig.
Ang kontemporaryong panitikan ay tumutukoy sa uri ng panitikang moderno o
makabago. Ilan sa mga kilalang panitikang kontemporaryo ay yaong mga nakikita,
nababasa, at naririnig sa popular na kultura o panitikang popular, na siyang
pinapalawig ng makabagong teknolohiya, tulad ng internet at telebisyon.
Kontemporaryo rin ang panitikan sapagka’t sinasalamin nito ang pamumuhay ng
kontemporaryong lipunang Pilipino. Ilan sa mga halimbawa nito ay
Tabloid,Komiks,Magasin at Dagli.
Ang Dagli ay isang anyong pampanitikang maituturing na maikling maikling
kuwento.Bagamat walang katiyakan ang pinagmulan nito sa Pilipinas sinasabing
lumaganap ito sa unang dekada ng pananakop ng mga amerikano.Wala ring
nakatitiyak sa angkop ng haba para masabing dagli ang isang akdang
pampanitikan.Subalit sinasabing kinakailangang hindi ito aabot sa haba ng isang
maikling kwento.Kabilang sa mga manunulat ng dagli ay sina Inigo Ed Regalado na
may bansag na Tengkeleng,Jose Corazon de Jesus,Rosauro Almario,Patricio
Mariano.
Answers & Comments
Answer:
•Hahamakin Ang Lahat•
=Batay sa paksa=
-Ang paksa ay tungkol sa pag-ibig.
=Batay sa Layon=
-Layunin nitong ipaintindi at ipadama sa atin kung gaano ka lupit ang pag-ibig, kahirap, at kasakit. Katulad ng nangyari kay Dindo.
=Batay sa tono=
-Ang tono ay puno ng kalungkutan, at hinanakit.
=Batay sa pagkakasulat=
-Ang pagkakasulat sa kuwento ay may bahid ng katotohanan dahil ito'y karaniwang nagyayari na sa tong buhay. Ang maging sawi sa pag-ibig at mawalan ng pag-asa.
=Batay sa salitang ginamit=
-Ang mga salitang ginamit ay madamdamin at puno ng pighati.
•Ang aking binasa sa Dyaryo•
Balita
=Batay sa paksa=
-Ang paksa ng balita ay tungkol sa panggagahasa at pagpatay sa isang babaeng nasa labing-anim na taong gulang.
=Batay sa Layon=
-Layunin nito na tayo ay mag-ingat at maghanda palagi upang tayo ay mailayo sa mga kapahamakan katulad ng nangyari sa balita.
=Batay sa tono=
-Ang tono ay puno ng kilabot at ikaww ay makakaramdam talaga ng pagkatakot dahil hindi biro ang naganap na panghahalay sa dalaga at pinatay pa ito pagkatapos.
=Batay sa pagkakasulat=
-Ang pagkakasulat sa balitang aking nabasa ay makatotohanan at gusto nitong tayo ay palaging mag-ingat upang tayo ay maging ligtas.
=Batay sa salitang ginamit=
-Ang mga salitang ginamit ay nakakatakot at puno ng paalala na tayo ay mag-ingat palagi.
Hope it helps.
own answer.
Kindly, make it the Brainlist for me.