Guys, pls po parang awa nyo na po, ako po naka assign dito kaya pls kahit ngayon lang po matulungan nyo po ako.
• Pag gawa ng isang sulatin na kinapapalooban ng mga Panandang Diskurso.
• Gumamit ng 3 Panandang Diskurso (underlined)
• Bakit mo mahal ang JILCF?
( Our school, which stands for Jesus Is Lord Colleges Foundation)
• 10 sentences
• Tema: Sintang Paaralan
Thanks for those who are willing to help me!!
Gawa narin po kayo ng katawan, sa katawan 4 Panandang Diskurso at sa Wakas 3 Panandang Diskurso
Answers & Comments
Verified answer
Ang panandang diskurso ay tumutulong sa pagpapalinaw ng isang pahayag at pagsasaayos ng isang teksto batay sa pagkakasunod-sunod nito. Makakatulong din ito upang ipakita ang ng malinaw ang pagbibigay ng halimbawa, pagtitiyak, opinyon, at paglalahat sa isang teksto.
Mga halimbawa ng panandang diskurso
Bandang Huli ng Diskurso
Pagkabuo ng Diskurso
kung iisipin, sa ganang akin, dahil dito, ayon dito
tulad ng, batay sa, kagaya ng
sa tulong ng, sa pamamagitan, halimbawa, kung gagamitin ang
ito ay naglalayon, sa madaling sabi, bilang pagtatapos, bilang wakas
batay dito, bigyan ng pansin, pagtuunan ang pahayag na
una, ang sumunod, pagkatapos
Panandang Naghuhudyat ng Pananaw ng May-akda
Halimbawa ng Paggamit ng Panandang Diskurso
Noong una kaming nagkita-kita ng aking mga kamag-aaral ay hindi kami lubos na nag-uusap. Siguro ay nagkakahiyaan pa kami sa isa't isa. Dahil dito minarapat ng aming guro na kami ay magkakila-kila. At ngayon katupasan ng taon kami ay magkakaibigan na.
( Our school, which stands for Jesus Is Lord Colleges Foundation)
Ang JILCF ay bahagi na ng aking pamilya. Sa paaralang ito ako ay nahubog, tulad na lamang ng pag-respeto sa aking kapwa at pagtuklas ng mga bagay na dapat ko pang malaman. Marahil ang pamamalagi ko sa paaralang ito ang siyang naging daan upang akoy maging isang mahusay na mamamayan.
Sa tulong ng aking mga guro, ako ay naging marunong sa paggamit ng talino at lakas ng loob sa tamang pamamaraan. Ang pagmamahal ko sa aking paaralan ay hindi maikukumpara sa kahit ano pa man. Sapagkat ito ang naging inspirasyon ko upang mag-aral na mabuti at abutin ang mga pangarap ko sa buhay. Walang hanggang pagpapasalamat ang aking iniaalay sa pamunuan ng paaralan at aking mga guro.
Sa pagwawakas ng aking mensahe nais kong humingin ng paumanhin sa lahat ng mga maling bagay na nagawa ko. At maraming salamat sa paghubog ng mga kabataan upang maging matagumpay sila sa buhay.
Para sa karagdagang impormasyon:
brainly.ph/question/1545451
brainly.ph/question/2088620
brainly.ph/question/1561054
Hope it helps God bless❤