GUYS, ASAP NEED KO NA NG SAGOT RN. PLS LANG PO SANA YUNG MAAYOS MARK KO PO NG BRAINLIEST AND VERIFIED, LWGIT PO ITO IF KUNG AYAW MO MANIWALA EDI DON'T. BASTA IMAMARK KO YUNG MAGSASAGOT
Gumawa ng pag-eendorse sa kagandahan ng Visayas.
May larawan po ako ng Canigao Island tsaka kailangan po nag-eendorse sa kaganda ng Visayas. Kahit unti lang, Salamat Followback ko and Mark ko ng Brainliest at Verified! Salamat.
Answers & Comments
Magandang Araw! Ngayon ay dadalhin ko kayo sa isa sa mga magagandang tanawin na matatagpuan mo sa kabihasnan ng Visayas, hindi ito isang sikat na tourist spot, or pasyalan. Ito lamang ay pawang lugar na sa tingin mo ay sobrang simple lang kung tignan, pero ang panglabas na anyo ay sadyang makapagpanggap.
Hindi lamang ang Mt. Canla-on ang makikita mo dito, sobrang ganda rin ng patag dito na pwede mong gawing lugar ng iyong pag pipiknik at pag papahinga dahil sobrang aliwalas ng hangin dito na hindi kagaya ng sa lungsod. Kapag malapit na dumilim, makikita mo rin ang pinaka mganda na tanawin, Ang sunset, iba ang sunset dito dahil kitang-kita mo talaga ang paglubog ng araw at mararamdaman mo rin na padilim na nga.
Kapag sa kapanahonan ka naman ng pag-ani pumunta, makikita mo ang mga tao na nag-aani sa kanilang mga pananim, pwede ka ring tumulong kung gusto mong maranasan ang buhay sa bukid.
Ang Negros ay isa sa mga lugar lamang sa Visayas na mayroong magagandang natatagong tanawin na hinding-hindi mo makikita kahit saan mang lupalop ng mundo.