Answer: Tula ni: GLEYDEN DEVERA CALLEJO
"BALIK ESKWELA"
I
Sadyang napakabilis nga ng panahon,
Balik Eskwela na naman natin ngayon,
Natapos na ang ating buong bakasyon,
Magkakaroon na ulit tayo ng baon.
II
Balik Eskwela na maririnig ko na ang sermon,
Ng magulang upang sa umaga’y bumangon,
Tanghalian na kung gumising noon,
Alas singko na gigising hindi tulad kahapon.
III
Balik Eskwela na balik aral na naman,
Mag-uli kung saan ito’y kailangan bawasan,
Mga aralin sa paaralan ang ating pagtuunan,
Sapagkat ito’y para rin sa ating kinabukasan.
IV
Marami ang gusto na agad magpasukan,
May iba naman sa bakasyo’y nakukulangan,
May iba rin naman naging sulit ang kasiyahan,
Ang kanilang bakasyon ay naging makabuluhan.
V
Balik Eskwela na tiyak may bago na ulit kaibigan,
May mga bagong guro na rin na tiyak maasahan,
Na handang magbahagi ng kanilang nalalaman,
Balik Eskwela na naman makapagtapos ay ating pagsumikapan.
Explanation:
Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.
Answers & Comments