GUMAWA NG TIME LINE TUNGKOL SA ANG PAGDAKIP KAY BONIFACIO 50 PTS. MAKASAGOT
Answers & Comments
qwertyuiop2532
30 Nobyembre 1863—Isinilang si Andres Bonifacio sa Tondo, Maynila. Panganay sa anim na magkakapatid. Nag-aral sa ilalim ni Guillermo Osmeña na taga Cebu. Naghanap-buhay kasama ang mga kapatid sa pamamagitan ng pagbenta ng mga baston at abaniko. Naging clerk-messenger sa Fleming and Co. at Fressel and Co. Itinuturing ni Dr. Milagros Guerrero na isang young urban professional noong mga panahong iyon. Naulila ng lubos sa edad na 22. Aktor siya sa Teatro Porvenir kasama nina Aurelio Tolentino at Macario Sakay at paborito niyang karakter si Bernardo Carpio, ang itinuturing na tagapagligtas ng mga Tagalog. Naging bihasa siya sa Wikang Tagalog at nagbasa rin ng mga salin sa Espanyol ng mga aklat ni Alexandre Dumas, Les Miserables ni Victor Hugo, Las Ruinas de Palmyra, ukol sa Himagsikang Pranses, Buhay ng mga Pangulo ng Estados Unidos, Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Jose Rizal, Ang Bibliya, maging mga aklat ukol sa medisina at batas.
Answers & Comments