answer: Kalat-kalat na mga kahoy, nagtumbahang mga poste, wasak na mga bahay at establisimyento, naipong mga kalat sa tabi ng kalsada, mga punong halos walang dahon, naburang komunidad, mga patay na nakahilera sa kalsada (at pinaniniwalanag marami pa ang nasa ilalim ng mga debris na hindi pa nagagalaw), mga nakaligtas sa hagupit ng bagyo na inililigtas muli ang mga sarili laban sa gutom, mga sugat na hindi pa nagagamot, at walang mapagpapahingahang tirahan.
Ganito halos ang hitsura ng mga lugar na nasalanta ng Bagyong Yolanda nang puntahan ng Pinoy Weekly walong araw matapos ang isa sa pinakamalubhang trahedya sa kasaysayan ng bansa. Ngayon, halos isang buwan matapos ang bagyo, marami pa ring mga ulat na halos ganoon pa rin ang kalagayan sa mga bahagi ng Kabisayaan na labis na napinsala.
Nanalasa sa bansa noong Nobyembre 8 ang Bagyong Yolanda (international name: Haiyan), naitalang isa sa pinakamalakas na bagyo sa kasaysayan na tumama sa lupa o nag-landfall.
Habang sinusulat ito, nakapagtala na ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ng 5,670 na bilang ng mga namatay, nasa 1,761 ang nawawala at 26,233 ang nasaktan. Umaabot sa P 34.3 bilyon ang halaga nang nasira. Inaasahan pang tumaas ang mga bilang na ito.
Sa laki at di-mailarawang pinsalang iniwan ni Yolanda, nakakuha ito ng atensiyon at kinakailangang tulong mula sa iba’t ibang bansa.
Pero sa kabila ng maraming tulong na dumarating mula sa iba’t ibang sektor (pribadong korporasyon, simbahan, midya, NGOs, international groups, at iba pa) humihingi pa rin ang maraming biktima ng tulong mula sa gobyerno, na kinakitaan ng kapalpakan sa pagtugon sa mga pangangailangan ng mga biktima.
Sa mga lugar na napuntahan ng Pinoy Weekly mula Nobyembre 14 hanggang Nobyembre 19, karamihan sa mga nasalanta, kakaunti o di kaya ay walang tulong na nakuha mula sa gobyerno simula noong bumagyo.
Mabagal na tugon ng gobyerno, lalong nagpahirap sa nasalanta
Matapos ng bagyo, inasahan ng mga nasalanta ang serbisyo mula sa gobyerno bilang may pangunahing tungkulin na ibigay ito sa kanila. Pero matapos ang mahigit isang linggong paghihintay, ang mailigtas naman sa gutom, uhaw, sakit at kawalan ng matitirhan ang bagong bagyong kanilang hinarap nang mag-isa.
Karamihan sa mga nakapanayam ng Pinoy Weekly mula Ormoc, Tacloban, Palo, Tanauan at Dulag sa Leyte ay wala o minimal na tulong pa lamang ang natatanggap noon mula sa gobyerno o sa pribadong sektor
Answers & Comments

pa brainliest nalang