TATLONG araw na lang at tapos na ang 2003. Muli tayong haharap sa isang taon, hudyat ng bagong simula. Sa pagsalubong ng Bagong Taon, iba’t ibang paniniwala at mga ritwal ang ating ginagawa upang maging mas masagana at maganda ang darating na taon.
Mula sa ating paghahanda ng pagkain at prutas, pananamit at pag-iingay, tinitiyak natin ang kahandaan sa pagsalubong ng Bagong Taon. Subalit higit sa mga simbolikal na paghahandang ito, nararapat lamang na ating suriin ang naging takbo ng taong ito. Sa pamilya man, trabaho o karera, pinansiyal na aspeto; bagaman marami ring biyaya ang ating natamo ay magsikap pa rin tayong laong mapabuti ang ating buhay at pamilya. Marahil ay may mga bagay tayong kailangang baguhin sa ating mga sarili at pag-uugali upang lalong maging mas kapaki-pakinabang ang taong darating.
Sa mas malawak na pananaw, maraming pagsubok ang dumaan sa ating bansa at ng kasalukuyang administrasyon. Subalit sa tulong ng bawat isa at sa panalangin ng bawat Pilipino kahit papaano ay naging maayos naman ang takbo ng ating ekonomiya. Nagawa nating bumangon mula sa matinding pagkakahati-hati ng ating lipunan. Naging malalim man ang sugat na dala ng pulitika, nagawa nating muling tumayo sa ating mga paa upang ipagpatuloy ang mga gawain para sa mas nakararami.
Sa pagsapit ng Bagong Taon, taus-puso akong umaasa na magkakaroon tayo ng bagong simula at bagong pag-asa. Sa dami ng krisis na ating pinagdaanan bilang isang bansa, malaki ang tiwala ko sa kakayahan ng Pilipino na bumangon at magsimulang muli. Likas sa atin ang katatagan ng loob at ito ang tutulong sa atin upang makayanan ang mga darating na pagsubok.
Answers & Comments
Answer:

Masaganang Bagong Taon sa lahat!
Explanation:
hope it is help po