Sa panahon ngayon, nagiging isyu na ang sobrang paggamit ng mga gadgets ng mga kabataan. Ito ay dahil nauubos ang oras nila sa paggamit ng mga gadgets. Hindi nila nagagamit nang wasto ang kanilang oras. Naaaksaya ang oras nila dahil sa mga laro at social media. Narito ang halimbawa ng sanaysay tungkol sa temang "Mapanuring paggamit ng gadgets, tungo sa mapagkalingang ugnayan sa pamilya at kapwa".
Dahil sa modernong panahon ngayon, kailangan nang maging wais ng mga kabataan kung ano ang mga bagay na kailangang pagtuunan nila ng pansin. Madalas, sa gadgets na nakalaan ang kanilang atensyon. Dahil dito, kailangang maging mapanuri ang kabataan sa paggamit ng kanilang gadgets upang makamit ang mapagkalingang ugnayan sa kanilang pamilya at kapwa.
May mga pananaliksik na ang Pilipinas ay isa sa mga pinakamalaki ang pagtaas ng bilang ng gumagamit ng mga cellphones. Malaking bahagdan ay dahil sa mga kabataan.
Marami sa oras ng kabataan ay nalalaan na sa mga gadgets. Mas pinipili nilang magsarili kasama ang kanilang gadgets kaysa makipag-usap sa kanilang pamilya at sa kanilang kapwa. Nalilimitahan na ang komunikasyon nila sa ibang tao dahil mas pinipili nilang makipag-usap sa social media at maglaro gamit ang gadgets.
Hindi dapat hayaan ng mga kabataan na isantabi ang kanilang pamilya at mahal sa buhay. Kailangang alalahanin na ang mga gadgets ay maaaring masira at mawala ngunit ang pamilya at pakikipag-ugnayan sa kapwa ay walang kapalit at walang kasinghalaga. Dahil dito, tiyak na kailangang maging mas mapanuri sa paggamit ng gadgets ang mga kabataan upang maging mas mapagkalinga ang ugnayan nila sa kanilang pamilya at kapwa.
Iyan ang halimbawa ng sanaysay tungkol sa nasabing tema. Maaari ka ring gumawa ng iyong sarili at orihinal na sanaysay tungkol sa nasabing paksa. Alalahanin lang ang iyong sariling karanasan tungkol sa paksa.
Answers & Comments
Answer: