gumawa ng isang Video Prayer na angkop para sa isang pagpupulong tagalog prayer na dapat aabot ng 2 mins dapat orihinal at hindi kukuha sa ibang website
Aming Panginoon, kami po ay sumasamo sa Iyo, na sa pagtitipon na ito ay magampanan naming ang aming sinumpaang tungkulin na palaganapin ang kabutihan ng Iyong banal na Salita. Bigyan Mo po kami ng sapat na linaw ng isip at tibay ng puso na gawin ang Iyong hangarin.
Banal na Inang Maria, tulungan mo po kami na palaging maging mapagkumbaba nang ang aming bawat galaw ay maging para sa ikabubuti ng lahat.
Salamat Panginoon, na kami ay biniyayaan Mo ng mabuting kalusugan at sapat na kakayanan na mapabilang sa pagtitipon na ito. Salamat sa malaking kaloob na makapiling muli naming ang aming mga kaibigan at kasamahan, at sa pagkakataon na mapadami pa ang aming mga kaibigan at kasamahan. Sa Iyong kabutihan ay labis-labis ang aming tuwa at saya sa pagdalo sa pagtitipon na ito na aming inaalay sa Iyong banal na ngalan.
Kami ay nagsusumamo, mahal na Panginoon, na basbasan mo ng Iyong grasya ang bawat isa sa amin, kabilang ang aming mga pamilya at mahal sa buhay. Kami ay magsisimula ngayon balot ng Iyong pagmamahal, at sa Iyong grasya ay magiging matagumpay ang aming pagtitipon.
Answers & Comments
Answer:
PA BRAINLIEST
Explanation:

Amen.