Answer:
PILIPINO AKO AT MAGALANG AKO
Pilipino ako at magalang ako,
Sasabihin ko ito ng taas noo,
Likas ang katangiang ito,
Maipagmamalaki sa mundo.
Sa salita at gawa makikita,
Paggalang sa nakatatanda at kapwa,
Paghalik sa kamay o pag mamano,
Isang tatak ng pagiging Pilipino.
Hindi kinakalimutan ang po at opo,
Paggamit nito ay mula sa puso.
Mahihinuha sa pakikipagtalastasan,
Kagandahang asal at mabuting kalooban
Sa kasinggulang o nakababata,
Paggalang pa rin ay mahalaga.
Paggamit ng tamang parirala at salita,
Umaakit ng paggalang sa kapwa.
Hindi kinakalimutan ang pagdali,
May kasama pang matamis na ngiti.
Pasasalamat sa mga nakamtan,
Katumbas nito ang walang anuman.
Paghingi ng pahintulot at paumanhin
Ang namumutawi sa mga labi.
Mainit na pagtanggap sa pandinig.
Masarap pakinggan sa pandinig
Kaya ikaw batang Pilipino
Maging magalang sa lahat ng pagkakataon,
Sa kilos man o pakikipagtalastasan
Ito ay katangiang tunay na kinalulugdan.
Explanation:
Sana po makatulong ☺
Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.
Answers & Comments
Answer:
PILIPINO AKO AT MAGALANG AKO
Pilipino ako at magalang ako,
Sasabihin ko ito ng taas noo,
Likas ang katangiang ito,
Maipagmamalaki sa mundo.
Sa salita at gawa makikita,
Paggalang sa nakatatanda at kapwa,
Paghalik sa kamay o pag mamano,
Isang tatak ng pagiging Pilipino.
Hindi kinakalimutan ang po at opo,
Paggamit nito ay mula sa puso.
Mahihinuha sa pakikipagtalastasan,
Kagandahang asal at mabuting kalooban
Sa kasinggulang o nakababata,
Paggalang pa rin ay mahalaga.
Paggamit ng tamang parirala at salita,
Umaakit ng paggalang sa kapwa.
Hindi kinakalimutan ang pagdali,
May kasama pang matamis na ngiti.
Pasasalamat sa mga nakamtan,
Katumbas nito ang walang anuman.
Paghingi ng pahintulot at paumanhin
Ang namumutawi sa mga labi.
Mainit na pagtanggap sa pandinig.
Masarap pakinggan sa pandinig
Kaya ikaw batang Pilipino
Maging magalang sa lahat ng pagkakataon,
Sa kilos man o pakikipagtalastasan
Ito ay katangiang tunay na kinalulugdan.
Explanation:
Sana po makatulong ☺