gumawa ng isang thank you letter o sulat pasasalamat sa mga kontribusyong asyano sa larangan ng arkitektura. laman ng lihan ang iyong paghanga at pagkilala sa kanilang galing talino at pagsisikap upang ang mga arkitekturang ito ay ating pa ring makita sa kasalukuyan at maging bahagi sa mga kinilalang tourist destination ng asya
Answers & Comments
Answer:
Hindi lingid sa kaalaman ng mga Filipino na marami tayong kababayan na nakipaglaban at patuloy na nakikipaglaban sa himagsikan. Noon ay nakipaglaban ang ating mga magigiting na bayani sa mga himagsikan upang makamit natin ang kalayaan ng ating bansa. Ngayon ay nakikipaglaban ang ating mga bagong bayani sa himagsikan upang patuloy na maging ligtas ang ating bansa kabilang na ang mga mamamayan nito.
Kami po ay lubos ang paggalang at paghanga sa mga kabayanihang ginawa ng mga Katipunero, Ilustrado, at lahat ng mga Filipinong nagbuwis ng kanilang buhay para sa kasarinlan ng ating bayan. Ang inyong pagsasakripisyo ay aming habang-buhay na hindi malilimutan. Kami ay nagpapasalamat sa lahat ng inyong nagawa kasama na ang kasaysayang inyong iniwan. Kami ay patuloy na natututo sa mga aral ng inyong buhay at ito ay ginagawa din naming gabay upang magtagumpay sa aming mga adhikain, maging personal o pangkalahatan.
Labis labis din ang aming pasasalamat at pagpupugay sa mga bagong bayani na isinusugal ang kanilang buhay bilang mga frontliners upang magpatuloy ang buhay ng higit na nakararaming Filipino. Ang inyong pagsuong sa panganib, sa pagharap ng ating kalaban (COVID-19) na hindi naman nakikita ay tunay na kahanga-hanga. Kabilang sa mga frontliners ang mga doktor, nars, medical staff, sundalo, pulis, guro, barangay health workers, at ang nasa iba pang propesyon na patuloy na gumagampan sa kanilang gawain upang maprotektahan ang bayan.
Explanation:
"CAREOFLEARNING"
HOPE IT HELP
brainly.ph/question/26472429