Pasko at Bagong Taon. Ito ang mga malalaking pagdiriwang sa mga Pilipino bawat taon. Kahit anong mangyari o problema ang dumating, walang dahilan upang hindi makalimutan ng mga Pilipino ipagdiwang ang mga selebrasyong ito. Simula palang ng Setyembre ay makakarinig ka na ng mga kantang pampasko at hindi ito titigil hangga't hindi natatapos ang Enero. Ang Pilipinas ang may pinakamahabang pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon.
Ngunit dumating ang isa sa mga malalaking problema na ikinakaharap ng bansa, ang pandemya na dulot ng COVID-19. Dahil dito, bawal lumabas, maraming nagkasakit, lumobo ang utang ng gobyerno, at marami pang iba. Higit sa lahat, naapektuhan ang mga pagdiriwang, kabilang na ang Pasko at Bagong Taon. Naging iba ang pagdidiwang sa mga ito. Mula sa mga social gatherings, hanggang video call nalang muna , at marami pang ibang epekto.
Ngunit hindi mapipigilan ang mga Pilipino na maging maligaya kahit dumating nga ang mga problemang ito. Iba man ang naging selebrasyon natin, maligaya pa rin ang lahat dahil sabi nga nila, palaging maligaya ang mga Pilipino anuman ang mangyari. Nakita ang ating pagiging maparaan kung paano nga ba natin ididiwang ang mga ito sa kabila ng pandemya? Kahit mas maunti ang mga nakahain sa mesa dahil sa kakulangan ng pera, walang nag-iba sa pagsasalo natin sa mga ito. Kahit online muna ang pagdalo sa mga misa dahil hindi pinapayagan ang maraming tao sa simbahan, nanatili ang ating paniniwala sa Maykapal. Maraming nagbago ngunit hindi ang ating kaligayahan kada Pasko at Bagong Taon.
Answers & Comments
Verified answer
Pasko at Bagong Taon sa Panahon ng Pandemya

#CarryOnLearning