May mga programa ring pangkalusugan sa mga paaralan tulad ng deworming at pagbabakuna, habang ang ilan naman sa mga bata na nanganganib na dumanas ng karahasan at pang-aabuso sa loob ng kanilang tahanan ay maaaring matulungan ng mga child protection programs ng eskwelahan. Matatandaang tumaas ang kaso ng karahasan laban sa mga kabataan at lalong nanganganib na umakyat ang bilang nito ngayong panahon ng pandemya.
Makatutulong naman sa mental health ng mga estudyante ang pakikipag-ugnayan nila sa kanilang mga kapwa mag-aaral kapag natuloy na ang face-to-face classes lalo na sa low risk areas. Sa pamamagitan din ng limited face-to-face classes, maaaring makatanggap ang mga mag-aaral ng sapat na paggabay mula sa kanilang mga guro.
Maliban sa pagbibigay ng edukasyon, ang mga paaralan ay may mga programa rin para sa kalusugan, proteksyon, at kapakanan ng mga mag-aaral na maaari lamang maibigay sa kanila kapag nagkaroon na ng face-to-face classes. Higit na mahalaga ang pagtugon sa mga programang ito ngayong panahon ng pandemya
Answers & Comments
Answer:

Explanation: