God says, Kapag ang isang tao ay nakakasagupa ng isang napakamasalimuot na paghihirap, kapag wala silang sinumang malalapitan, at kapag nadarama nila ang lalong kawalang-pag-asa, nagtitiwala sila sa Diyos bilang kanilang tanging pag-asa. Paano sila nananalangin? Ano ang kalagayan ng kanilang pag-iisip? Sila ba ay taimtim? Mayroon bang anumang di-dalisay sa panahong iyon? Kapag nagtitiwala ka sa Diyos na parang Siya ang huling hibla na makakapitan upang iligtas ang iyong buhay, umaasang tutulungan ka Niya, na taimtim ang iyong puso. Bagama’t maaaring hindi ka gaanong nagsasalita, ang iyong puso ay naaantig na. Ibig sabihin, ibinibigay mo ang iyong taimtim na puso sa Diyos, at ang Diyos ay nakikinig. Kapag nakikinig ang Diyos, nakikita Niya ang iyong mga paghihirap, liliwanagan ka Niya, gagabayan ka, at tutulungan ka.
Answers & Comments
Paano sila nanalangin?
Kapag ang tao ay nakakasagupa ng isang napakasalimuot na paghihirap ay mataimtim silang nananalangin sa Diyos na tangi nilang pag-asa at sandigan sa panahon na wala silang nakakapitan.
Ano ang kalagayan ng kanilang pag-iisip?
Ang kalagayan ng kanilang pag-iisip ay magulo at kawalan ng pag-asa sa buhay.
Sila ba ay taimtim?
Sa tingin ko ay taimtim kung bukal sa kanilang puso ang humingi ng tulong sa Diyos na tanging kinakapitan nila.
Mayroon bang anumang di-dalisay sa panahong iyon?
Opo, mayroong mga tao na di dalisay ang pagdarasal sa mga panahong iyon. Wala lang silang ibang makakapitan sa mga oras na iyon at Diyos lang ang tanging pag-asa nila na makakapitan.
Kapag nagtitiwala ka sa Diyos kahit anuman ang iyong nasa puso at isipan o kahit hindi bukal ang iyong pagdarasal sa kanya ay tutulungan ka niya dahil ang Diyos ay pag-ibig , pag-asa at mahal niya ang kanyang mga nilikha sa buong ibabaw kahit gaano ka pa kasama sa mundo dahil mahal ka ng Diyos ay pakikinggan niya ang iyong mga hinaing at dasal.