Gising Pilipinas!
Ang kaikasan ay biyaya sa atin
Diyos na mapagpala naghatid sa atin
Himpapawid,kagubatan,karagatan,
Di ba't kay ganda tanawin at pagmasdan?
Punong nagbibigay ng sariwang hangin
Tuwing may baha taga pagligtas natin
Mapang-abusong tao ano ang ginagawa
Pinutul,kinitlan ng buhay,sinira.
Karagatang asul,makinang na tubig
Tuwing tag-araw nilalanguyan natin
Ngayo'y burak ang katulad,maitim pa
Bukod pa don,kasing amoy ng basura.
Isa sa may pinakamaraaming hayop
Maraming halaman tayong nasasakop
Ngayo'y unti-unti na sila naubos
Nanganganib na lahat sila'y mapulbos.
Ano'ng nangyayari sayo Pilipinas?
Sa sakuna kasagana'y natigpas
Kailan maggigising 'yong nasasakupan?
Paano sila lahat matatauhaan?
Ano po ang paksa ng tulang ito?
Answers & Comments
Answer:
Ang paksa ng tulang iyan ay ipinapasabi na huwag tayo sumuko dahil meron pang pag-asa, papaano naman ang ating kinabukasan at protektahan ang ating kapaligiran dahil kung wala ito hindi tayo mabubuhay.