Ginawa ko naman ang lahat
Sumugal ako kahit alam kong talo
Iginugol ko lahat ng oras ko sa 'yo
Para maramdaman mo lang na ganyan kita kamahal
Pero parang wala lang sa 'yo ang lahat
Ng mga paghihirap ko
Sana'y 'di na lang kita nakilala
Sana'y 'di na lang kita nakasama
Sinaktan mo lang ako
Sana'y 'di na lang kita minahal
'Di na sana nagising sa magandang panaginip
Kung madaratnan ko lang ang umagang kay sakit
'Di na sana niyakap ang kunwari mong pagtingin
Para 'di ako nasugatan sa ginawa mong patalim
Pero parang ayos lang sa 'yo ang lahat
Kahit na ako'y sugatan
Sana'y 'di na lang kita nakilala
Sana'y 'di na lang kita nakasama
Sinaktan mo lang ako
Sana'y 'di na lang kita minahal
Nu'ng una kitang makilala, halos napakasaya ko
Halos 'di maipinta 'yung mga ngiti sa labi ko
'Yung tipong sabay tayong naggo-"Good morning" sa isa't isa
'Yung tipong sabay tayong nag-aalala
At tanong na "Kumain ka na ba?" at "Asan ka?"
'Yung lambing na 'di na tayo mapaghihiwalay
Kaso lahat ng 'yon ay akala ko lang pala
Dumating ang umaga na nagbago kang bigla
'Yung lambing? Pagmamahal? Tuluyan na ngang nawala
Nasan na 'yung dating ikaw?
'Yung dating ikaw na kapag kasama ko, 'yung puso ko'y humihiyaw
Mahal, miss na miss na kita, kailan ka ba babalik?
Miss ko na 'yung init ng 'yong yakap at tamis ng 'yong halik
Pero kung usapang pagbabalik, mukhang malabo na
Dahil lahat ng pagkukulang ko, wala, eh, napunan na ng iba
Sana'y 'di na lang kita nakilala
Sana'y 'di na lang kita nakasama
Sinaktan mo lang ako
Sana'y 'di na lang kita minahal
Oh, whoa
Minahal

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.