Questions


January 2022 2 7 Report
Gawain
Panuto: Ibigay ang angkop na pamagat sa talata. Isulat sa papel ang tamang sagot.
Bawat Pilipino, mayaman man o hindi, ay biniyayaan ng natatanging kakayahan.
Ibinigay ito sa atin bilang regalo upang magamit sa pagtulong sa kapwa at sa
pangangalaga ng kapaligiran. Dahil regalo ito sa atin, nararapat na ito ay ibahagi rin
ng libre sa ating kapwa lalo na sa mga nangangailangan.
Ang paggamit sa kabuunan ng ating kakayahan ay hindi lang magdadala ng
tiyak na tagumpay kundi kagalakan din sa ating kapwa. Isang mabuting Pilipino na
dapat tularan si Efren Peñaflorida Jr. Nakilala si Efren sa kaniyang proyektong Kariton
Klasrum. Balewala kay Efren ang hirap ng pagtulak ng kariton na punong-puno ng
aklat, mapuntahan lang at maturuan ang mga batang hindi makapag-aral dahil sa
kahirapan. Hindi siya naging maramot sa kaalaman at katalinuhan va iniregalo sa
kaniya ng kahirapan. Hindi siya naging maramot sa kaalaman at katalinuhan na
iniregalo sa kaniya ng Maykapal.
Sana dumami ang mga Pilipinong tulad ni Efren Peñaflorida Jr. Isa siyang
bayaning tunay na maipagmalaki. Isang Pilipino siya na world class ang pangalan.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.