Ang sanhi ay tumutukoy sa pinagmulan o dahilan ng isang pangyayari samantala ang bunga naman ay ang siyang kinalabasan o dulot ng naturang pangyayari. Sa malayang likha ng pagtatahi kwento, hindi kailangang laging nauuna ang sanhi sa bunga sa paglalahad ng kwento, maaaring mauna ang bunga sa pagsasalaysay.
Ang manunulat ay nagbibigay ng isa o higit pang sanhi at epekto ng pangyayari. Ang sanhi ay nagsasabi ng mga kadahilanan ng mga pangyayari at ang epekto nito ang tinatawag na resulta o bunga. Sa simpleng salita, may pinagsimulan ang isang pangyayari at dahil dito ay nagkaroon ng kasunod.
Mga hudyat ng sanhi at bunga ng mga pangyayari
Ang isang salaysay ay gumagamit ng mga salitang pang-ugnay sa sanhi at bunga. Narito ang ilan:
dahil
kung kaya
kasi
sapagkat
kung
kapag
Mga halimbawang pangungusap na nauuna ang sanhi:
Magdamag na umiiyak ang sanggol sa loob ng bahay kaya hindi nakatulog na maayos si Aling Ester.
Nakaligtaan niyang kumain ng almusal kaya nahimatay siya sa kalagitnaan ng kanyang pagsasanay.
Hindi iningatan ni Totoy ang kanyang cellphone kaya nasira ito agad.
Mga halimbawang pangungusap na nauuna ang bunga:
Nahuli si Bryan sa pagpasok dahil tanghali na siyang gumising.
Kaya hindi umuunlad ang Pilipinas dahil sa korapsyon.
Lumubog sa baha ang bayan ng Navotas dahil sa kakulangan ng pagpaplano ng mga nasa katungkulan.
Kahulugan Kung Ano Ang Pangatnig & Mga Halimbawa Nito
PANGATNIG – Narito ang kahulugan kung ano ang pangatnig at ang mga halimbawa nito.
Sa ilalim ng asignaturang Filipino sa elementarya, isa sa mga topiko ay ang bahagi ng pananalita. Ang karunungan tungkol dito ay mainam na pundasyon sa pag-intindi ng iba pang mga sumusunod na aralin.
Mayroong walong(8) bahagi ng pananalita. Isa sa mga ito ay ating tatalakayin sa artikulong ito kasabay ng mga halimbawa nito.
Ito ay ang bahagi ng pananalita na nag-uugnay sa dalawang salita, sugnay, parirala, or pangungusap. Maari itong nagpapakita ng pagbubukod, pagsasalungat, o paglilinaw.
Mga Halimbawa:
at
o
ngunit
subalit
kaya
kung
Pagbubukod
Sina Ruel at Rodrigo ay magkapatid sa ama dahil nag-asawa ulit si Mayor Hernan noong mamatay ang dati niyang kabiyak.
Ang saging at mais ay mga paborito niyang pagkain.
Ano ba ang mas mainam na ipakain sa mga bata para sa meryenda, tinapay o biskwit?
Kahit magdala man siya ng payong o hindi, mababasa pa rin siya sa lakas ng ulan.
Pagsasalungat
Pupunta sana sina Ariel at Marcelin sa patimpala ngunit bumaha sa kanilang lugar kaya hindi sila natuloy.
Magbabayad siya ngunit hindi pa ngayon.
Nakauwi siya subalit huli na noong dumating siya.
Bumili siya ng bagong lampara subalit agad itong nasira.
Paglilinaw
Malakas ang ulan kaya sinuspende muna ang mga klase sa elementary at sekondarya.
Umuwi siya ng maaga kaya nabigla ang ama niya.
Kung pupunta si Alex, paniguradong hindi darating si Juan.
Bibili sila ng bagong telebisyon kung hindi sila makakabili ng bagong mesa.
Answers & Comments
Answer: