Questions


September 2022 0 1 Report
Gawain sa Pagtuto Bilang 5: Basahin at unawain ang mga sumusunod Isulat ang titik ng wastong sagot 1 Nakikita mong maraming basura sa inyong paligid at napansin mong kinakalat lang ito ng iyong mga kapitbahay kung saan-saan at ang iba naman ay sinusunog ito. Ano ang dapat mong gawin? A. Pumunta sa kapitan ng barangay at hilinging kausapin ang iyong mga kapitbahay upang ipaliwanag ang benepisyong makukuha mula sa mga nabubulok na basura B. Isumbong sa pulis ang kapitbahay na nagtatapon at nagkakalat ng basura C. Manahimik at pabayaan na lang ang iyong mga kapitbahay. D. Wala sa nabanggit. 2. Ang mga sumusunod ay maaring isama sa paggawa ng abonong organiko o compost Alin ang hindi nabibilang? A tuyong damo at dahon C. goma at plastik B. balat ng prutas at gulay D. dumi ng hayop 3. Mainam gumamit ng compost sa pagtatanim Ano ang kabutihang naidudulot ng paggamit ng abonong organiko? A Pinalalambot nito higit na pinatataba ang lupa. B. Naibibigay ang sustansiyang kailangan na wala sa mga kemikal abono C. Makatitipid sa tustusin sa paggamit ng kemikal na abono D. Lahat ay tama 4. Nais mong gumawa ng abonong organiko ngunit wala kang sapat na lugar, ano ang mainam at nararapat mong gamitin upang makagawa? A Isang sisidlang yari sa kahoy o yero na may sapat na laki at haba B. basyo ng "mineral bottle" C. lumang gulong na hindi na ginagamit D. maliit na bote 5. Ang "compost pit" ay isang paraan ng pagbubulok ng basura sa A isang kahong sisdian B. Isang basket C. isang hukay D. lahat ay tama​

Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.