GAWAIN SA PAGKATUTUO BLG. 1
Panuto: Ihambing ang mga sumusunod na karunungang bayan at magsaliksik ng halimbawa nito.
Katangian
Karunungang Bayan
1. Bugtong
2. Palaisipan
3. Tugmang De Gulong
4. Tulang Panudyo
Halimbawa
(Isulat ang sagot)
(Isulat ang sagot)
(4 na taludtod lamang)
Answers & Comments
Answer:
bugtong
Ang bugtong, pahulaan, o patuturan ay isang pangungusap o tanong na may doble o nakatagong kahulugan na nilulutas bilang isang palaisipan (tinatawag ding palaisipan ang bugtong).[1]
palaisipan
Ang palaisipan ay isang laro, problema, o laruan na sumusubok sa katalinuhan o kaalaman ng isang tao.
Ang Tugmang De Gulong ay mga paalala na maaaring makita sa mga pampublikong sasakyan tulad ng dyip, bus at traysikel. Karaniwa’y ito’y batay sa nakatutuwa, lalo na’t ang karamihan sa mga tugmang ito ay nakabatay sa mga kasabihan o salawikain na dati nang batid ng mga Pilipino.
tulang panudyo
Ang mga tulang panudyo ay isang uri ng karunungang bayan na nagsimula pa sa ating mga ninuno
halimbawa
bugtong
Heto na ang magkapatid, nag-uunahang pumanhik.
Sagot: Mga paa
Dalawang batong itim, malayo ang nararating.
Sagot: Mga mata
Kay lapit-lapit na sa mata, di mo pa rin makita.
Sagot: Tenga
palaisipan
Ano ang nakikita mo sa gitna ng Dagat?
Sagot: G
Tanong: Bakit binubuksan ang bintana tuwing umaga?
Sagot: Kasi nakasara,bakit bubuksan mo pa ba kung bukas na.
tugmang de gulong
Aanhin pa ang gasolina kung jeep ko ay sira na.
Ang di magbayad mula sa kanyang pinanggalingan ay di makabababa sa paroroonan
tulang panudyo
Tutubi, tutubi
‘Wag kang pahuli
Sa batang mapanghi
Bata Batuta
Isang pera, isang muta
Explanation:
sana nakatulong