Questions


October 2022 1 2 Report
Gawain sa Pagkatuto Bllang 2: in Sa tulong ng iyong magulang o kasama sa
bahay, ipabasa ang teksto sa bawat bilang. Piliin sa kahon ang angkop na
pamagat.
1. Masaya ang araw ni Franna. Pumunta sila sa Gingerbread House
Maraming maaaring gawin doon. Naglaro sila ng kanyang kapatid sa slide
at duyan. Gumawa din sila ng Gingerbread house gamit ang mga biskwit
at kendi. Bumili din sila ng mga masasarap na tinapay. Tunay ngang hindi
malilimutan ni Franna ang araw na iyon.
2. Ang bulaklak ay ang bahagi ng halaman na responsable para sa
pagpaparami. Bukod dito ito ay bahagi ng halaman na nagpapaganda sa
sa paningin ng bawat halaman. Bawat halaman ay may kanya-kanyang
kaakit-akit na anyo dahil sa bulaklak.
3. Ang mga hayop ay maaring mabuhay sa iba't-ibang klaseng lugar. Sa
kagubatan ay maaaring mabuhay ang iba't ibang hayop tulad ng
mammal, ibon, amphibians, isda at mga reptilya. Kahit na nagkalat ang
mga balita tungkol sa pagkakalbo ng kagubatan. May mga kagubatan pa
ring nanatili sa pagkakaroon mga kakaiba at kamangha-manghang mga
hayop.
4. Ang bawat isa sa atin ay hindi na bago sa paggamit ng Internet. Ito ay
naging bahagi na ng buhay at sa pang-araw araw natin. Malaki at marami
na ang nasasaklaw ng Internet. Kahit saan ka tumingin sa bawat sulok ng
mundo nandyan ang Internet. Ito ay naging isa na rin sa mga pangunahing
pangangailangan ng bawat tao.
5. Hindi lingid sa ating kaalaman na nagiging problema sa ating panahon
ang tungkol sa basura. Karaniwang problema din ang pagsusunog ng
basura sa paligid ng bahay pagkatapos silang walisin at ipunin sa isang
tabi. Ang suliranin sa pagtatapon ng basura ay isa lamang sa maraming
usaping pangkalikasan, at ito ang totoong kaakibat ng pag-unlad ng
lipunan.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.