Gawain sa Pagkatuto Bilang 9: Sino ako? Basahin ang mga sumusunod
na tugma at kilalanin ang tinutukoy nito. Piliin ang sagot sa kahon. Isulat
ang sagot sa iyong kuwaderno.
Dyaryo
Aklat
Internet
Cellphone
Telebisyon
1. Bata at matanda sa aki'y nawiwili
Hindi kumpleto kapag hindi ako katabi
Text, at youtube may kasama pang video call
Pati na nga tiktok na pang-alis ng antok.
2. Maraming kaalaman sa akin ay nakasulat
ang mga eksperto pati sinaunang tao.
Binabasa ako sapagkat ang laman ko ay pawang
totoo.
3. Pagdating ng eskwela doon sa tahanan
Kasama ang magulang na sa akin ay nakatunghay
Minsan pa nga ay nagtatalo sa aking harapan
Kung anong palabas ang kasunod na matutunghayan.
4. Lahat nagagalit at hindi mapakali
Kapag nanghihina ako at walang makitang tao
Pati Globe at Smart, minumura ninyo
Ngunit wala kayong magawa kapag wala ako.
5. Ako ay nauna higit sa kanila
Mga impormasyon sa akin nyo nababasa
Sariwang balita ang hatid ko tuwina
Kasalo ninyo ako sa pagkakape tuwing umaga,
Answers & Comments
Answer:
1.CELLPHONE 2.AKLAT 3.TELEBISYON 4.INTERNET 5.DYARYO
Explanation:
PA BRAINLIEST PO :)