Gawain sa Pagkatuto Bilang 9: Pumili ng isang sitwasyon na iyong babasahin at sasagutin.
1. Naglalakad ka pauwi ng bahay nang makapulot ng isandaang piso. May pambili ka na ng gamit sa pag-aaral. Nakita mo ang isang ale na may hinahanap sa daan. Nahulog ang pera niya. Ano ang gagawin mo?
2. Pinaglaruan ng kapatid mo ang aklat ng ate mo at nasira niya iyon. Sinabihan ka niya na huwag siyang isumbong. Tinanong ka ng ate mo kung sino ang nakasira. Ano ang sasabihin mo?
3. Bumili ka sa tindahan ng kapitbahay. Labis ang sukling iyong natanggap. Ano ang gagawin mo?
Answers & Comments
Answer:
3. Ang gagawin ko ay babalik ako sa tindahan at sasabihin ko sa tindera na sobra ang naibigay niyang sukli sa akin.