Gawain sa Pagkatuto Bilang 9. Isulat mo sa loob ng lobo ang iyong
mga mithiin o pangarap sa buhay. Sa ibaba naman isulat mo ang iyong panalangin na magpapakita ng iyong pananalig sa diyos upang maging gabay mo sa pagkamit ng iyong mga pangarap o mithiin.
Answers & Comments
Sa aking palagay, ito ay pansariling katanungan. Nangangahulugan na ikaw mismo ang sasagot. Dahil itinatanong sa'yo ang iyong pangarap at mithiin. Magbibigay ako ng halimbawa ng maaaring kong maging sagot.
Sa loob ng mga lobo: (Tatlo)
Panalangin:
Sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen.
Panginoon, ako po ay dumudulog sa inyo. Maraming salamat po sa lahat ng mayroon ako.
Patawarin niyo po sana ako sa mga pagkakasala ko tulad ng pagpapatawad ko sa mga nagkasala rin sa akin. Panginoon, gabayan mo po ako sa aking tatahaking landas sa pagkamit ng aking mga pangarap at mithiin sa aking buhay. Tanglawan niyo po nawa ang aking dadaanan upang ako ay hindi maligaw ng landas. Ilayo niyo po ako sa masama at sa tukso.
Ito po ang ipinapanalangin ko sa inyo.
Sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen.
Nawa'y makatulong.
_ndrs_