Gawain sa Pagkatuto Bilang 9: Basahin ang pangyayari sa ibaba at ilahad kung sang-ayon ka sa ginawang desisyon ng pangunahing tauhan, Isulat ang sagot sa patlang sa ibaba. SI Monica ay isang mag-aaral sa baitang lima sa isang paaralang elementarya sa Dasmariñas. Isang araw, nagkaroon sila ng tampuhan ng kaniyang matalik na kaibigang si Jude dahilan sa pagkakaiba ng kanilang nais tungkol sa kanilang proyekto. Ilang araw na di nagpapansinan ang dalawa kahit na madalas silang nagkikita sa klasrum, kantina at iba pang bahagi ng paaralan. Dumating ang Linggo at sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagkita uli sila ni Jude sa labas ng simbahan ng Immaculate Concepcion Parish ng kanilang bayan. Dito, ay naabutan niyang umiiyak ang kaibigan dahil sa naiwalang perang pambili ng proyekto. Takot si Jude na mapagalitan. Nangibabaw kay Monica ang pagmamalasakit sa kaibigan kaya naman sinamahan niya si Jude magpaliwanag sa kaniyang ina upang maipaliwanag ang pangyayari. Dahil dito, naunawaan ng ina ang nangyari at sinamahan ang dalawa na bumili ng proyekto. Naging dahilan ito upang magbati ang dalawang magkaibigan. Batay sa kuwento, sang-ayon ka ba sa ginawa ni Monica na tulungan ang nakatampuhang kaibigan? Bakit? 10
Answers & Comments
Answer:
oo
Explanation:
Ang pagtulong ni Monica sa kanyang nakatampuhang kaibigan ay isang magandang gawaing pangkaibigan. Sa panahon ng pagkakaroon ng hindi pagkakaintindihan sa pagitan ng dalawang tao, mahalagang magpakita ng pag-unawa at pagtanggap sa isa't isa, at ito ang ginawa ni monica sa pamamagitan ng pagtulong sa kanyang kaibigan.